Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alas bumida vs Ginebra

0 43

Nabalaho sa NLEX ang unang subok ng Barangay Ginebra San Miguel sa title defense ng 46th PBA 2021 Philippine Cup.

Start-to-finish na nasa unahan ang Road Warriors hanggang kumpletuhin ang 94-75 win sa Ynares Sports Arena sa Pasig Linggo ng gabi.

Muling namuno sa NLEX ang backcourt tandem nina Kevin Alas at Kiefer Ravena.

May 20 points si Alas,19 kay Ravena na sinahugan ng 5 assists. Umayuda ng double-double na 10 points, 10 rebounds si JR Quinahan at nilista ang tatlo sa 10 blocks ng team.

Iginuhit ng Road Warriors ang first 12 points ng laro, dalawang beses umabante ng 20 sa second half para bumawi mula sa manipis na 83-82 loss sa Rain or Shine sa opening day noong Biyernes.

Wala pa sa porma ang Gin Kings, sa 83 attempts mula sa field ay 29 lang ang nahulog sa net.

Binitbit ng 15 points ni Japeth Aguilar ang defending champions, may 12 points, 9 assists at 5 turnovers si Scottie Thompson at 11 markers kay LA Tenorio.

Kinapos ng dalawang puntos si Aguilar para maging 93rd (89th local) member ng 5,000-point club ng liga.

Inaalat pa ang bagong sentro ng Ginebra na si Christian Standhardinger, nagsumite lang ng 8 points mula 3 of 8 shooting, nagbaba ng 10 rebounds pero may 4 errors. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.