Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alas, Guiao pabor sa bubble

0 201

Suportado ng ilang coaches ang pagsagawa ng PBA ‘bubble’ para maisalba ang 45th season.

Tulad sa NBA na naipagpatuloy ang 2019-20 o 75th season dahil sa bubble environment na nilalaro sa Walt Disney World Resort sa Orlando, Florida.

Kailangan lang planuhin mabuti ng PBA at makahanap ng lugar na paglalaruan.

“This is our best chance of saving the season,” saad ni NLEX coach Yeng Guiao nitong Huwebes.

SM food to go Banner Ad

Niyakap din ni Louie Alas ang idea na ‘bubble’.

“It’s a great idea,” anang Phonix mentor. “If we’re going to go the extra mile to save the season, then we might as well do it.”

Inanunsyo nina Ricky Vargas at league commissioner Willie Marcial nitong Martes na seryoso silang gayahin ang ‘bubble’ ng NBA.

Nanganganib na hindi matuloy ang nasabing season dahil sa pamiminsala ng coronovirus. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.