Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alas ihaharurot Road Warriors

0 148

Si Kevin Alas ang inaasahang babalikat sa NLEX habang nasa Japan B.League si Kiefer Ravena.

Papasok ng PBA re-start sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga ang Road Warriors na nasa sixth place ng standings sa 2-2 win-loss card.

Bago sinuspinde ang Philippine Cup elims sa Ynares Sports Arena sa Pasig, nag-average si Ravena ng 15.8 points, 3.8 rebounds, conference second-best 6.5 assists at 1.8 steals.

Sa apat na laro, nakapag-ambag naman si Alas ng 18.5 points, 4.8 rebounds, 4.6 assists at 1.8 steals.

Bawat laro, bumibitaw si Alas ng 6 attempts sa labas ng arc, 8 for 24 overall.

“He’s just been more curious of taking shots,” paliwanag ni coach Yeng Guiao Linggo. “He has been consistent with shooting the three-point shot this conference.”

Kilalang slasher si Alas kaya inaabangan ng kalabang team ang atake niya sa basket. Nakakabulaga pa siya dahil hindi nagdadalawang-isip na bumitaw sa long range kapag nasilip ang rim.

Habang wala si Ravena, maghahanap si Guiao ng ipa-partner kay Alas sa backcourt.

“With the absence of Kiefer, Jericho (Cruz) is the guy who will need to step up the most,” panapos na sambit ng coach. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.