Abante Tonite Interactive

Alas, Jazul sumaklolo vs coronavirus disease

327

Umayuda sina Kevin Alas at RJ Jazul sa Letran na lumilikom din ng pondo pantulong sa frontliners sa pakikibaka sa COVID-19.

Bilang basketball players, mga gamit sa paglalaro ang dinonate ng dalawa.

Hindi isa, kundi tatlong jersey ang binigay ni Jazul.

Bundle pa ang tatlong unifoms ng Phoenix Super LPG gunner, kabilang ang dati niyang jersey sa Letran. Miyembro si Jazul ng Knights na sumikwat ng NCAA title noong 2005, bago tinapik ng Alaska bilang 15th pick noong 2010 PBA Draft.

“For three!” caption ng Letran sa photos ng jerseys ni Jazul na ipinost sa Facebook page ng eskuwelahan. “You can now get three of RJ Jazul’s jerseys at a starting bid of P3000. You get three or nothing – so bid hard!”

Binigay naman ni Alas ang kanyang 2013 SEA Games jersey, ang kanyang unang stint sa national team. Isinama ni Kevin ang Nike What the Kobe 8 sneakers niya.

Starting bid ng jersey ni Alas ay P1,500 samantalang P3,000 sa kicks.

Bago naging second pick overall ng Rain or Shine noong 2014, naglaro si Kevin sa Letran hanggang 2012-13, bumitaw sa kanyang final season para sumama sa Gilas.

Ilan pa sa mga nag-donate din sina dating Knights Jerick Balanza, Bonbon Batiller, Larry Muyang at Fran Yu. (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad