Abante Tonite Interactive

Alas luluhod pabalikin lang si Abueva

900

Napasakan na ng Phoenix Pulse ang butas sa kanilang roster.

Isa na lang ang kulang – si Calvin Abueva.

“Calvin is Calvin pa rin, and ‘yung makakapuno sa dati niyang puwesto, si Calvin lang,” pahayag ni Fuel Masters coach Louie Alas nitong Miyerkoles.

“Hopefully, ma-lift na ‘yung suspension sa kanya para more or less competitive na itong team ko.”

Binigyan ng PBA ng indefinite suspension ang The Beast sa kalagitnaan ng nagdaang season pagkakasunod-sunod ng kontrobersiyang kinasangkutan.

Una ang lewd actions nito sa girlfriend ni Bobby Ray Parks Jr, sumunod ang clothesline kay Terrence Jones, ang import ng TNT noong Commissioner’s Cup.

Nasa kamay ni Commissioner Willie Marcial ang desisyon kung ili-lift na ang indefinite ban.

“Hopefully, soon. Kasi lahat ng pinapagawa kay Calvin, ginawa na niya,” dagdag ni Alas. “Pero ‘yun nga, na kay Comm kung kailang mali-lift ‘yung suspension.”

Nakakapag-ensayo na si Abueva sa team, pero ‘di pa naaalis ang suspension.

Sa March 1 magsisimula ang 2020 season. (Vladi Eduarte)