Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alas napipisil sa Red Lions

0 85

ISA pang dating NCAA champion coach kay Louie Alas ang kandidato para sa coaching job sa San Beda.

Nadagdag ang pangalan ni Alas sa mga kinukunsidera na hawakan ang basketball program ng Red Lions matapos na malasap ang dalawang sunod na kabiguan na pinakahuli ang pagkakatalsik sa Final Four ng Season 97.

Simula 2016 ay laging nasa kampeonato ang Red Lion bago na lamang ang dalawang sunod na taon kung saan nabigo ito noong Season 95 kontra Letran sa titulo bago nagpahinga ang torneo noong Season 96.

Nagawa nito makatuntong sa Final Four subalit nabigong makatuntong sa unang pagkakataon sa kampeonato.

Huling nagawani Alas na maitulak ang Letran Knights sa korona ng NCAA noong 1998, 2003 at 2005 bago ito umakyat sa pagkapit ng properyonal na koponan.

Wala pang pahayag ang San Beda kung pananatilihin nito ang serbisyo ni head coach Boyet Fernandez bagaman ang dalawang taon nitong kontrata ay nagtapos na sa pagtatapos ng kampanya ng Red Lions.

Maliban kay Alas, isa pang dating Letran coach na si Aldin Ayo ang kinukunsiera sa posisyon. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.