Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alas, NLEX inuga TNT

0 88

TEAM STANDINGS W L
TNT 5 1
Rain or Shine 4 1
Barangay Ginebra 4 2
San Miguel 4 2
Alaska 5 3
Phoenix 4 3
Meralco 3 3
Blackwater 2 3
Magnolia 2 4
NorthPort 1 4
NLEX 2 5
Terrafirma 0 5

Mga laro ngayon (AUF gym):
4:00 pm – NorthPort vs Magnolia
6:45 pm – SMB vs Ginebra

Clark Smart Giga City – Walang collapse sa endgame ang NLEX Huwebes ng gabi sa Smart 5G-powered AUF gym, kumapit para ibalik sa lupa ang dating namamayagpag na TNT 109-98.

Nakabingwit ng malaking isda, martsa sa 2-5 ang Road Warriors samantalang napigil ang Tropang Giga sa 5-1.

Mula sa timeout ni coach Yeng Guiao, magkasunod naagawan pareho sa inbounds sina Kevin Alas at Kiefer Ravena na nagresulta sa quick 4 points ng TNT para lumapit 101-96, 1:31 sa orasan.

Bumawi ng tres si Ravena, dinagdagan ng isang free throw at layup ni Alas at balik sa 107-96 ang NLEX lead 20 ticks na lang.

Namuno ang 24 points ni Alas sa Road Warriors, may 19 si Jericho Cruz na 5 for 7 sa 3s at 16 points, 9 rebounds si Ravena. May 8 points, 10 rebounds at 7 assists si JR Quinahan.

Hindi maasinta nina gunners RR Pogoy at Ray-Ray Parks ang basket, binitbit ng 27 points at 8 assists ni Jayson Castro ang Tropa. Naka-16 points si Pogoy at 15 kay Parks.

Sa unang salang kontra dating team, 1 of 5 lang mula sa field si Poy Erram tungo sa 9 points para sa TNT.

Sa first game, ipinagpag ng Alaska ang Phoenix Super LPG 105-97. Angat sa 5-3 ang Aces, napigil sa 4-3 ang Fuel Masters.

Related Posts

Umiskor si Mike Digregorio ng 14 sa fourth quarter at nilista sa period ni Vic Manuel ang 10 sa kanyang team-high 24 points. Tumapos si Digregorio ng 21 points mula 4 for 7 shooting sa 3s.

Laban sa kanyang dating team, pasabog si Phoenix star Calvin Abueva ng 11 points sa opening period pero 7 na lang ang kinaya mula roon. Kumana si Matthew Wright ng game-high 27 points, 13 dito sa fourth nang tangkaing ibalik ang Phoenix.

Ang mga iskor:

First Game

ALASKA 105 – Manuel 24, Digregorio 21, Casio 13, Herndon 12, Teng 9, Brondial 8, Ayaay 6, Tratter 5, Ebona 4, Ahanmisi 3, Galliguez 0, Publico 0

PHOENIX 97 – Wright 27, Abueva 18, Chua 15, Perkins 10, Jazul 9, Intal 8, Garcia 7, Marcelo 2, Heruela 1, Napoles 0, Rios 0.

Quarterscores: 19-29, 49-55, 71-75, 105-97.

Second Game

NLEX 109 – Alas 24, Cruz 19, Ravena 16, Quinahan 8, Miranda 8, Ayonayon 8, Semerad 7, Soyud 6, McAloney 6, Varilla 5, Porter 2, Ighalo 0.

TNT 98 – Castro 27, Pogoy 16, Parks 15, Rosario 11, Enciso 11, Erram 9, Reyes 7, De Leon 2, Semerad 0, Washington 0.

Quarterscores: 24-32, 53-48, 75-67, 109-98. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.