Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alas pumiyok sa NCAA, MPBL game fixing

0 219

Bukas na aklat na kay dating National Collegiate Athletic Association (NCAA) champion coach Francisco Luis ‘Louie’ Alas nang noo’y Letran Knights coach at ngayo’y nagmamando sa Phoenix LPG Superkalan Fuel Master sa Philippine Basketball Association (PBA), ang game fixing sa mga liga sa bansa.

Sinegundahan niya ang naunang pahayag nito ring Lunes ni dating PBA player at Maharlika Pilipinas Basketball (MPBL) at NCAA bench strategist Gerald ‘Gerry’ Esplana.

Ayon kay Alas, matagal na aniyang nauulinigan at nababalitaan ang iba’t-ibang klase ng pagbebenta ng mga laro, kasama ang point shaving noon pa mang nagsisimula pa lang siyang mag-coach hanggang sa kasalukuyan.

Pero wala nga lang aniyang napapatunayan, nahuhuli at mga napaparusahan.

“Actually marami na akong nadidinig about it,” bulalas ni Alas. “Very sad pero ‘di ba Sen. Manny (Pacquiao) sent the NBI (National Bureau of Investigation) to look for it, I guess mag-iingat na mga ‘yan and sana lahat ng team owners, coaches maging vigilant. Every may nakikita or naririnig na ganyan, I mean head on, address it right away.”

Hinirit niyang mareresolbahan ito ng mga awtoridad at ng mga koponan kung magtutulungan.

Kinasuhan noong Nobyembre ni MPBL founder at chairman Pacquiao ang 21 katao, kabilang ang 11 player ng SOCCKSARGEN team na pinatalo lahat ang mga laro sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019-20.

Kinuha ng Abante TONITE ang reaksiyon niya at maging ng iba pang coach gaya ni Joseller ‘Yeng’ Guiao. Pero wala pa sila mga tugon habang sinusulat ito. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.