Abante Tonite Interactive

Alas sa ‘di natututong referee, dapat palitan

409

Walang makaalala na nagkaroon na ng anim na ejections sa iisang laro ng PBA nitong nakalipas na dekada, hanggang nitong Linggo sa Ynares Center sa Antipolo.

Anim ang na-thrown out sa 114-88 win ng TNT KaTropa laban sa Phoenix Pulse.
Angat ang KaTropa sa 3-1 sa Commissioner’s Cup, napigil sa 1-1 ang Fuel Masters.

Wala pang tatlong minuto pagkatapos ng tipoff, mainit na ang laro. Nagkakatulakan, nagkakasagutan.

Muntik magkagulo nang banggain ni Calvin Abueva si TNT forward Anthony Semerad na nakikipaggirian kay Fuel Masters import Rob Dozier. Pumito agad ng technical ang referee.

Pero ‘di doon natapos ang eksena, dahil nagkaroon pa ng tulakan at pormahan.

Si Phoenix coach Louie Alas na nagtangkang mamagitan, napituhan din.
Pagkatapos ng review, tossed out sina Alas at Jason Perkins ng Phoenix, at ang kambal na sina Anthony at David Semerad 2:49 sa opening quarter.

Walang limang segundo ang nakalipas, sunod na napalabas si TNT active consultant Mark Dickel.

Medyo gulat pa si Alas sa ejection niya nang maitulak si David Semerad.
“Ganun pala ako kalakas? My God! ‘Dun na ako sa Avengers,” pahayag ng coach. “Anyway, I’m just trying to separate him from Calvin. ‘Yung nangyayaring commotion doon, ‘di naman siya kasali. Sine-separate ko lang kay Calvin.” (ve)