Abante Tonite Interactive

Alaska, Manuel taas-noo kahit talo

By
1,261

Taas-noo pa rin ang Alaska, lalo si Vic ­Manuel, kahit nasipa na sila sa PBA Commissioner’s Cup.

Natapos ang kampanya ng Aces sa midseason conference nang kapusin sa San Miguel Beer 3-1 sa best-of-five semifinals, huli ang 104-99 loss Linggo nang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Silat ang Alaska sa first two games 92-79 at 105-94, pero nakabalik at nakaiwas sa sweep nang agawin ang Game 3 125-104. Naubusan sila sa Game 4.

Nakipagpukpukan ang Aces ni Alex Compton kahit kulang sila sa tao. Wala sina Calvin Abueva (indefinite suspension) at Chris Banchero sa semis pero hindi basta sumuko.

“Siyempre masaya­ pa rin,” bulalas ni Manuel, tumipa ng 20 points sa Game 4. “Sabi ko, shot kami, semis lang, hindi kami sinuwerte hanggang finals. Pero proud talaga ako sa team namin, sa teammates ko. Lahat kami nagtulong-tulong para makarating dito.”

Sa Game 1 noong July 14 ay naigapos sa 16 points lang si Manuel at natapos ang kanyang 11-game streak na may 20 points o higit pa sa isang laro.

“May mga nangya­ring problema (sa team), ‘di ba? Ayun, pero hanggang dito lumaban kami, nakaabot kami hanggang semis,” dagdag ng 6-foot-4 forward na produkto ng PSBA. “Masaya na rin kami kasi kahit paano nakaabot kami sa semis.