Abante Tonite Interactive

Alaska pipigain sina Teng, Casio, Enciso

356

Knockout match ngayon: (Mall of Asia Arena, Pasay)
7:00pm — Alaska vs. Meralco

Buhay pa ang Meralco, humirit ng playoff para sa eighth at last slot sa quarterfinals tapos itumba ang San Miguel Beer 95-91 sa Smart Araneta Coliseum sa final day ng eliminations ng PBA Commissio-ner’s Cup Miyerkoles nang gabi.

Makikipagsipaan ang Bolts sa Alaska mamayang alas-siyete nang gabi sa MOA Arena.

Pare-parehong tinapos ng Phoenix, Meralco at Aces ang 11-game eliminations sa 4-7, pero nalaglag sa 10th ang Fuel Masters.

“We have a new life! Last Saturday we’re pretty much dead,” bulalas ni Meralco coach Norman Black. “Mas maganda may buhay, ‘di ba?”
Namuno ang 34 points ni Delroy James sa Bolts, may 20 si Chris Newsome at 15 points, 7 rebounds kay Raymond Almazan.

Inaalat ang Alaska, tinapos ang kampanya sa elims sa limang sunod na talo. Pero ‘di dahilan ito para magkampante ang Meralco.

“Yeah they have been struggling but maybe not as much as us,” puna ni Black.

Huling natalo ang Aces sa Blackwater 112-104 nitong Linggo.

Sa larong ‘yun, kumana ng 24 points at 16 rebounds si Diamon Simpson, may 18 points si Chris Banchero at 15 pa si Vic Manuel.

Silang tatlo muli ang mangu-nguna sa atake, pero kailangang mapiga ni coach Alex Compton ang mga tulad nina Simon Enciso, JV Casio at Jeron Teng para mailusot ang do-or-die match at harapin ang may twice-to-beat edge, top seed TNT sa quarterfinals. (Vladi Eduarte)