Abante Tonite Interactive

Alaska pupunuan nina Teng, Casio, Enciso

405

Nakakatatlong sunod na talo na ang Alaska sa PBA Commissioner’s Cup, dalawang sunod na sadsad naman ang Rain or Shine.

Unahan ang dalawa sa pagputol ng skid sa second game ng Petron Blaze Saturday Special mamaya sa Mall of Asia Arena.

Nasa homestretch na ang 11-game eliminations, krusyal sa dalawa ang panalo para huma­bol sa quarterfinals. Top eight lang ang aabante, nasa 7th place ang Aces sa 4-5 at sa ibaba lang nila ang Elasto Painters sa 3-5.

Nakatatlong import na ang Alaska, huling­ ibinalik si Diamon Simpson pero ‘di naipanalo ang una niyang laro. Nagsumite ng 22 points at 22 rebounds si Simpson noong Linggo nang tumukod sa Ginebra 118-106. Matikas ang suporta nina Chris Banchero at Vic Manuel, kailangang magpakita din sina Simon Enciso, Jeron Teng at JV Casio.

Maangas si Denzel Bowles sa Rain or Shine, pero kapos ang suporta ng locals.

Dismayado si Painters­ coach Caloy Garcia na walang consistency ang kanyang mga lokal.

Sa kabila ng estado ng team, positibo pa rin si Garcia. Punto ng coach, napuwersa nila sa deciding Game 7 ang Magnolia nitong nakaraang Philippine Cup semifinals bago nasipa.

‘Di sila dapat panghinaan ng loob ngayon.

“We have a good import,” dagdag ni Garcia. “The only problem is that we haven’t been making the usual shots that we used to make last conference.
We are getting those open shots and just have to make it.” (Vladi Eduarte)