Abante Tonite Interactive

Albay cholera outbreak

By
15

Nagsasagawa na ng disease surveillance ang Albay Provincial Health Office kaugnay sa balitang cholera outbreak sa nasabing lalawigan na ikinasawi na ng isang residente at pagkaka-ospital ng hindi bababa sa 100 katao.

Ayon kay Dr. Antonio Ludovice, acting Provincial Health Officer, nagpadala na ng investigation team sa Barangay Badian, sa bayan ng Oas, para magsagawa ng disease surveillance.

Sa inisyal na ulat ni Kapitan Henry Monteveros, nagkaroon ng cholera outbreak sa lugar na ikinamatay ng isang Crizelda Imperial Atuli.

Hindi naman bababa sa 100 katao pa ang isinugod sa Pio Duran Memorial District Hospital­ at Pantao District Hospital matapos makaranas ng ­pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae.