Abante Tonite Interactive

Albayalde binalasa ang mga regional director ng PNP

By
1,227

Naglabas si Phi­lippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Alba­yalde ng panibagong listahan ng balasahan para sa mga regional director ng Mimaropa at Zamboanga.

Base sa order na may petsang September 7, itinalaga ni Alba­yalde si Southern Police District chief ­Tomas Apolinario, Jr. bilang bagong regional director ng Police Regional Office (PRO) 4-B o ­Mimaropa.

Samantala, papali­tan naman ni Chief Supt. Emmanuel Licup sa pamumuno sa PRO 9 sa Zamboanga police ang magreretiro nang si Chief Superintendent Billy Beltran.

Si Beltran ay magreretiro sa Oktubre 9, na inilipat sa Police Holding Administrative Unit (PHAU) habang hinihintay nito ang kanyang retirement.

Bukod pa rito, itina­laga rin si Police Chief Supt. Gilberto DC Cruz bilang bagong regional director ng PRO 13 o Caraga region, ayon kay PNP spokesperson Benigno Durana Jr.

Si Police Chief Supt. Noli A. Romana naman ang bagong deputy of the Directorate for Integra­ted Police Operations (DIPO) para sa Eastern Mindanao simula ngayong Lunes.

Ngayong Martes naman ay pormal nang uupo si Police Senior Superintendent Eliseo DC Cruz bilang district director ng Southern Police District (SPD).