Abante Tonite Interactive

Albee Benitez happy sa pagsasabatas ng Human and Urban Development

134

Pinuri ng Negros Occidental District 3 Rep. Alfredo ‘Albee’ B. Benitez ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte para maisabatas ang RA 11201 na lilikha sa Department of Human and Urban Development.

Pinasalamatan ni Benitez ang pag-apruba ng Pangulo sa nasabing batas na magbibigay ng direksiyon at mapagtibay ang mga hakbang para sa pagbibigay ng pabahay sa mga Pilipino.

Bilang chairperson ng Committee on Housing and Urban Development, pinuri rin ni Benitez ang ­lahat ng mga sumuporta para maipasa ang batas.

Matatandaang ang Department of Human Settlements bill o dating Department of Housing ay naihain simula pa noong ika-siyam na Kongreso.

“It was only in the 17th Congress when this bill really gained traction because this was included in the priority measures of the President,” ayon kay Benitez.

Kabilang sa probisyon ng batas ang mandato ng bagong departamento ng gobyerno upang ipatupad ang urban renewal program na tutukoy sa mga lupa ng gobyerno na maaaring maging lokasyon ng pabahay.

“We are optimistic that the enactment of the Department of Human Settlements is a step towards the realization of providing affordable homes to the Filipino families,” dagdag pa ni Benitez.