Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Albee gulantang sa triple TF nina Maja, Piolo

0 419

Ipinagtanggol ng veteran columnist/talent manager na si Lolit Solis si dating Congressman Albee Benitez ng Brightlight Productions hinggil sa biglaang pagsasara ng dalawang shows na prinodyus nito, ang Sunday Noontime Live at Sunday Kada.  Nauna nang nawala ang prodyus niyang programa na “I Got You.”

Sa panayam kasi recently sa direktor ng SNL at Star Magic founder na si Johnny Manahan, lumalabas na bigla na nga lang ipinatigil ang mga nasabing shows gayung hindi raw ganito ang usapan nila sa SNL.

Ayon kay Mr. M (tawag kay direk Johnny), ang usapan daw nila ng Brightlight ay at least two seasons daw tatakbo ang SNL or hanggang March, 2021.

Sa Instagram post ni Nay Lolit, aniya ay naaawa siya kay Albee dahil ito na nga raw ang nalugi, lumalabas pa ngayong wala itong isang salita.

Naawa lang ako na si Papa Albee nawalan na ng pera dahil sa lugi ng mga shows para pang siya ang lumalabas ngayon walang isang salita. Imagine mo Salve na lugi na nga siya, nagbigay pa pala ng half month bonus para sa mga employees ng Brightlight Production nuon Christmas. Di ba isa itong sign of generosity on Albee na sa loob lang ng 5months , kahit lugi na tayo, give parin kita bonus ?” pagtatanggol ni Nay Lolit.

Sinabi rin ng columnist/talent manager na may karapatan si Albee na mag-decide kung ititigil na ang show dahil nga pera nito ang lumalabas.

“In this case I think si Papa Albee has all the right to decide, pera niya ang umaandar, kung ano gusto niya gawin , bahala siya. Kahit naman siguro siya hindi gusto na putulin agad ang mga programa, pero talagang parang gripo ang tulo ng tubig, walang hinto, baka maubos naman ang lalagyan niya. Sabi nga , kahit ano naman paghihiwalay bitter at masakit, iyan ngayon ang nangyayari sa mga nawalan ng show,” saad pa ni Nay Lolit.

She also revealed na nalaman din daw ni Albee na mas malaki ang talent fee na ibinibigay niya kina Piolo Pascual at Maja Salvador na hosts ng SNL kaysa sa tinatanggap ng mga ito sa ABS-CBN.

“Ang masakit pa kay Papa Albee nalaman niya na mas malaki pa pala sa TF ng ABS CBN ang binibigay niyang TF kay Piolo Pascual at Maja Salvador. Walang nakitang protection si Papa Albee sa mga naganap na nego , kaya pala ang laki ng production cost. Lesson learned, kaya nga lang, ang sakit at laki ng matriculation fee,” ani Nay Lolit.
Ayon sa source, how true triple umano ang TF nina Piolo at Maja sa Brightlight kumpara sa TF sa Dos.
SM food to go Banner Ad

Sinasabing umabot sa P600 M ang nalugi kay Cong Albee sa kanyang mga prinodyus na shows for TV5 at totoo namang hindi ito birong halaga.

@@@

Vice hihiwalayan si Ion ‘pag binugbog

Sa loob ng 2 taong pagiging magdyowa nina Vice Ganda at Ion Perez ay maraming beses na silang nag-away or nagkaroon ng tampuhan pero never daw silang nagkaroon ng pisikal na sakitan.

Ayon kay Vice Ganda sa kanyang latest vlog kung saan ay naglaro sila ni Ion ng Jenga na parang “Truth or Dare”, kapag dumating na raw sa bugbugan ang kanilang relasyon ay tiyak na maghihiwalay na sila although aniya ay imposibe itong mangyari.

Nasabi ito ni Vice bilang sagot sa tanong na “ano’ng dahilan ang pwedeng makapaghiwalay sa inyong dalawa?”

Sagot ng Unkabogable Star, “pag ayaw na namin. ‘Yun ang mas pinakaposible – ‘yung ayaw na namin. Pero ‘yung imposible pero talagang rukrukan na ‘yon na maghihiwalay kami kapag nagbubugbugan na kami. ‘Yung pisikal na sakitan? Ay hindi talaga puwede, hindi talaga.”

At hindi rin naman daw gagawin ‘yun ni Ion sa kanya dahil aniya, “ayaw niya rin ng ganu’n, ayaw niya ng nagmumura, kaya kahit kelan kami nagtatalo, hindi kami nagmumurahan. Ayaw niya ng nagmumura, ayaw niya ng sumisigaw, ayaw niya ng nananakit.”

Natanong naman kay Ion kung ano ang pinakamasakit na sinabi ng ibang tao tungkol sa relasyon nila ni Vice.

“’Yung sinabihan din ‘yung nanay ko na mukhang pera. ‘Yun ‘yung pinakamasakit sa akin. Sa akin, okay lang, eh, tanggap ko ‘yun. Pero ‘yung sa nanay ko, parang. . .eh nakasama ko ‘yun, alam ko naman ugali nu’n, eh, nakasama ko sa hirap, eh, hindi naman (siya) ganu’n,” sabi ni Ion.

Sa tanong naman kay Vice Ganda kung ano ang pipiliin niya between career and love life, gusto naman daw niyang ma-enjoy ang buhay pag-ibig niya ngayon dahil na-enjoy na rin naman daw niya nang bongga ang kanyang career.

“Pipiliin ko ang love life,” sey niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.