Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Albert muntik magretiro sa pandemya

0 182

NI: ROLDAN CASTRO

Akala ni Albert Martinez ay magreretiro na siya sa showbiz dahil sa nangyaring pandemya.

Nu’ng una ay walang taping, walang shooting na nagaganap.kaya pumasok sa utak niya kung paano makaka-recover sa COVID-19 crisis. “’Yung theaters, wala nang pupunta because nga takot ‘yung mga tao na manood ng sine, like ‘yung nangyari sa US. Tapos taping, papaano? Papaano ‘yung mga eksena niyo na medyo intimate? So hindi ko talaga ma-comprehend papaano tayo makababalik sa ganitong situation?,” lahad niya sa storycon ng pelikulang “ The Housemaid”.

Pero ngayon ay excited siya na magso-shoot sa Pinoy version ng “The Housemaid.” Makakasama niya sina Kylie Verzosa, Louise delos Reyes, Jaclyn Jose. Alma Moreno,Elia Ilano at Jobelyn Manuel.

Huling napanood si Albert sa pelikulang” Panday”. Mas nag-focus daw siya noon sa paggawa ng teleserye.

Leave A Reply

Your email address will not be published.