Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Albie bet si Brenda Mage na big winner

0 37

NI: VINIA VIVAR

Para kay Albie Casino, si Brenda Mage ang gusto niyang maging big winner ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Matatandaang na-evict si Albie sa PBB last November 14, 2021.

Ayon kay Albie sa interbyu nina Bianca Gonzales at Enchong Dee sa PBB Kumu Live taglay raw ni Brenda ang mga katangian ng pagiging big winner.

“Si Mama Brenda, para sa akin (ang big winner). Because nakikita ko siya, lagi siyang gumagalaw sa loob ng bahay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Siya ang naglilinis ng banyo madalas. There’s eight girls in the house, so medyo nagkaka-furball sa drainage, sa mga buhok,” kuwento ng aktor sa nakikita niya kay Brenda sa loob ng PBB house.

Wala raw karate-arte si Brenda sa paglilinis ng banyo.

“Ako, pag nakikita ko, alam mo, ayokong hawakan iyan, medyo kadiri. Kahit baha na, bahala na. Okay lang. Maliligo na lang ako nang baha. Hindi ko na pupulutin.

“Si Mama Brenda, talaga pulot doon. Lahat ng mga dishes, nililinis. Tapos, tinanong ko nga sa kanya iyan. Kakadating ko lang, ‘Mama Brends, bakit ikaw lagi ang naglilinis?’ ‘Wala lang, gusto ko lang naglilinis ako,’” kwento pa ni Albie.

Leave A Reply

Your email address will not be published.