Abante Tonite Interactive

Albie, ibang klase ang alindog!

By
19

Kahapon ang last ­taping day ni Albie Casiño sa 3 days taping niya para sa MMK (Maalaala Mo Kaya) ng ABS-CBN.

Kinumusta namin kay Leo Dominguez (Albie’s manager) kung ano na ang pinagkakaabalahan ngayon ng binata after na ma-vindicate sa issue na siya ang ama ng anak ni Andi Eigenmann.

Nagulat kami na isang transwoman ang role ni Albie sa MMK episode niya.
Sabi namin kay Leo, tiyak na pag-uusapan ‘yon.

Pasabog!

Kahit isa sa mga itinuturing na yummy actor si Albie dahil sa ganda ng kanyang abs, hindi siya nag-alangan na tanggapin ang trans­woman role sa MMK.

Ibang klase ang kanyang alindog!

Aabangan ang MMK guesting na ‘yon ni ­Albie lalo na at very hot siya ngayon dahil sa kinasangkutang issue!

***

AT least, kahit yumao na ang tatay-tatayan at ma­nager niyang si German Moreno (SLN), hindi pa rin nawawalan ng show sa GMA 7 si Jake Vargas.

Bukod sa Pepito Manaloto, may afternoon series na siya nga­yon, ang Oh, My Mama! bilang ka-triangle nina Inah de Belen at Jeric Gonzales.

Nasa GMA Artist Center na kasi si Jake, kaya garantisadong may shows siya sa Kapuso network.

Sayang lang at parang kulang ng dating ang Oh, My Mama! afternoon series nila.
Ito pa naman ang launching show ng anak ni Janice de Belen sa GMA 7, huh!

Ano ba ang katapat nito sa ABS-CBN?
“Doble Kara!” sagot ng tinanu­ngan namin.

Kaya pala!

Successful ang Doble Kara na pinagbibidahan ng napakagaling umarte na si Julia Montes.

Noong nasa Los Angeles, California kami, na-hook kami sa pa­nonood ng Doble Kara sa TFC (The Filipino Channel) at napatunayan naming napakagaling umarte nitong si Julia Montes at pati friends namin ay puring-puri siya.

Type na type namin si Julia sa kambal na characters niya na sina Kara at Sara.

***

Pansin n’yo ba, ­parang hindi na masyadong pinag-uusapan ‘yung show na gagawin ni Kris Aquino para sa APT Entertainment ni Mr. Tony ­Tuviera at ipapalabas sa GMA 7?

Noong unang kumalat ang balitang ‘yon, ang tsika, Setyembre 22 ang first taping day ni Kris, pero biglang wala nang balita tungkol doon.

Ang morning ­series na Calle Siete ay umeere pa rin, although nag­simula na ng taping si Eula Valdes para sa isang bagong afternoon series ng Kapuso network.

Kung tuloy ang show ni Kris na ipoprodyus ng APT Entertainment, sana’y maging interesado pa rin doon ang mga tao, huh!

‘Yun lang!