Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Albie nag-sorry sa taba isyu kay Andi

0 112

NI: VINIA VIVAR

Inamin ni Albie Casino ang pagkakamali sa naging pahayag niya kamakailan na happy siya na tumaba na ang dating karelasyong si Andi Eigenmann.

Matatandaang sinabi ito ni Albie sa panayam bago siya pumasok sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.

Ngayon ay nakalabas na si Albie at na-realize ng aktor na mali ang kanyang ginawa.

“First of all, i really didn’ think that it would pick up that much attraction. I really honestly didn’t think that it would spread like a wildfire, what I said,” sey ni Albie sa panayam niya sa Toni Talks ni Toni Gonzaga.

“I know now that I was wrong to say that. And I want to apologize to everybody who was offended by what I have to say. I was in the spur of the moment.

“To be completely honest, I wanted to say something that would make her feel bad,” patuloy ng aktor.

SM SuperKidsDay Banner Ad

‘Yun daw ang naging paraan niya ng pagganti kay Andi sa ginawang pagsira sa kanya, sa lahat ng galit niya at naipong frustrations all these years.

Pero na-realize nga raw niyang mali siya at aniya, wala raw siyang intensyong maka-offend ng kahit sino.

Nang tanungin ni Toni kung may galit pa siya, ayon kay Albie ay hindi na raw ito mawawala.

“It’s not there all the time. If someone brings her up to me, it’s not good emotions that I’m thinking, it’s not good feelings that I’m feeling. And I’m only human,” he said.

Nang time na sinasabi raw niya ‘yun ang nasa isip niya ay “well, they publicly ruined me, they had me assaulted, they dragged my family name.”

Inamin din niyang pinagsisisihan daw niya ang kanyang mga nasabi.

“I regret saying it. Like I said, the platform that I have now, I want to spread positivity and with that statement, there was nothing positive about that. So again, I’m sorry, I made a mistake,” sabi ni Albie.

Leave A Reply

Your email address will not be published.