Abante Tonite Interactive

Albie walang pakialam kay Andi

0 955

tonite-imo-vinia-vivar
Sa presscon ng Los Bastardos ay nahingan ng reaksyon si Albie Casiño tungkol sa pagtigil sa showbiz ng ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann.

Ayon kay Albie, siguro raw ay nagsawa na lang ito dahil noong panahong sila pa, ang alam daw niya ay gustong-gusto nitong mag-artista.

Ikinagulat ba niya ang desisyon na ito ni Andie?

“I don’t mean sound like a dick but wala na talagang emosyong luma­labas sa akin pag sinabi ang pangalan niya. Talagang wala na akong pakialam. Wala!

“Kahit ibenta mo lahat, kahit nasa beach ka, wala akong pakialam,” natatawang sagot ni Albie.

Hindi ba sila nagkikita ni Andie kahit aksidente man lang?

“Paano kami magkikita kung nasa beach siya?” natatawa pa rin niyang sagot.

Samantala, masayang-masaya si Albie sa bonggang takbo ng kanyang career ngayon. Sunod-sunod ang projects niya lately. Kasama siya sa pelikulang First Love nina Aga Muhlach at Bea Alonzo at ngayon ay may bago ngang teleserye kung saan ay isa siya sa bida along with Jake Cuenca, Diego Loyzaga, Marco Gumabao at Joshua Colet.

May oras pa ba siya sa love life?

“Meron pa rin, hindi pwedeng mawala,” sambit niya.

Kasalukuyang in a relationship si Albie with model girlfriend, Michelle Arceo at magtatatlong taon na raw ang kanilang relasyon.

When asked kung may possibility ba na mauwi na ito sa engagement, aniya, sa ngayon ay hindi pa raw nila napag-uusapan.

“Parang for me, if I’m planning to buy an engagement ring, parang I have to spend 1 million pesos on that. That’s when I’ll know that I have enough savings to get married.

“I don’t wanna propose to someone tapos, “o sige, papayaman muna ako bago tayo pakasal.” Ayoko ng ganu’n. Gusto ko lahat, handa na para pag engaged na tayo, longest is 1 year engagement, tapos kasal na tayo after,” saad ng aktor.

Of course, ang girlfriend na raw niya ngayon ang nakikita niya ngayon na magiging asawa niya someday dahil hindi naman daw sila tatagal ng 3 years kung hindi.

Joven mahigpit na nakalaban ni Brillante

Hindi inaasahan ni direk Joven Tan na makakasama sa 8 official entries ng Metro Manila Film Festival 2018 ang kanyang pelikulang Otlum. Kaya naman sobrang happy siya nang inanunsyo last Tuesday na isa nga ang pelikula niya sa huling apat na mapalad na nakapasok out of 16 finished films na naisumite sa MMFF committee.

Aminado si Direk Joven na talagang kinakabahan siya before the announcement at mas lalo siyang ninerbyos nang tawagin na ang kanyang pelikula. Sobrang happy niya raw at naiyak pa nga siya sa tuwa.

Ang mahigpit palang nakalaban ni Direk Joven sa last slot ay ang pelikula ni Brillante Mendoza na Alpha (The Right to Kill). Inaasahan na ng direktor na marami ang kukuwestiyon sa kanyang kapasidad kung bakit siya nakapasok.

“Hindi ko alam kung ano ang kunsiderasyon na ginamit, siyempre, hindi naman ako ang judge. Kanya-kanyang taste yan. Swerte lang. Kasi 16, magaganda naman for sure ‘yung 16, parang swerte siguro saka dasal,” sey ni direk.

“Alam kong marami akong maririnig pero ano’ng gagawin ko, ako ang pinili? Dumaan naman ako sa proseso. Hindi rin naman ako nagsabi na piliin n’yo ‘to over ganyan. Kung baga, 16 kami, nag-take chance, siguro lucky day ko ngayon, so natutuwa ako, sobrang tuwa. Hindi nga ako makatayo kanina,” dagdag pa niya.

Ito ang first filmfest movie ni Direk Joven bilang direktor though dalawang beses na raw siyang sumali at ngayon lang sinuwerte. Isinali niya last year ang kanyang Tatlong Bibe but unfortunately ay hindi nga nakasama.

Otlum is a horror film na pinagbibidahan nina Ricci Rivero, Jerome Ponce and Michelle Vito under Horseshoe Studios.