Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Albo papaampon sa PBA

0 93

Bukod sa utol ni Javee Mocon na si Kenneth, eentra na rin ang teammate nito sa Davao Occidental na si Richard Albo nang magpasa ng aplikasyon para sa Online 36th PBA Rookie Draft 2021 sa darating na March.

Nagpalista ang kapatid ng Rain or Shine cager para sa pambansang liga dahil hindi pa rin natutuloy ang naudlot noon pang Marso 2020 na 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) 2019-20 Lakan Season dulot ng pandemya.

Dahil dito nagpasabit na rin ang katropa nitong si 6-foot-2 banger Albo. May galaw rin ang 34-anyos na basketbolista nang maglista ng 3.9 points at 2.9 rebounds per game para sa Tigers sa MPBL. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.