Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Albularyong lider ng kulto hinalay 3 bata

0 390

Swak sa piitan ang 46-anyos na albularyo na sinasabing lider ng isang kulto makaraang mangmolestiya umano ng tatlong menor de edad na babae sa Quezon City, Biyernes ng hapon.

Ayon kay P/Lt. Col. Elizabeth Jasmin, QCPD Station commander, ang suspek ay nakilalang si Romeo Delos Reyes, jani­tor sa isang warehouse at naninirahan sa Barangay Damayang Lagi.

Aniya, kasama ang magulang ng mga bik­tima nang magtungo ang mga ito sa himpi­lan ng pulisya upang maghain ng reklamo sa kahalayang ginawa ni Delos Reyes.

Mayo 28 naganap ang sinasabing pangmo­molestiya sa mga biktima na nasa edad 10, 12 at 14 sa bahay mismo ng suspek.

SM food to go Banner Ad

Batay sa pahayag ng isang magulang, mismo ang suspek ang nagsabi sa kanila na kailangang puntahan siya ng mga biktima bilang miyem­bro ng kanilang religious group para sa blessings at bible study.

Ang bahay ng suspek ang nagsisilbing dasalan ng mga miyembro kung saan ay magdamag ang aktibidad at minsan ay doon na rin natutulog ang mga biktima.

Nalaman lang ang ginawang kahalayan nang magsumbong na ang isa sa mga bata sa magulang, hanggang maaresto sa follow-up operation si Delos Reyes sa bahay nito.

Itinanggi ng suspek na nang-rape siya pero ina­min niyang ilang beses na niyang hinipuan sa mase­selang parte ng katawan ang isang sa mga biktima. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.