Abante Tonite Interactive

Alcantara, Altamirano sabwatan sa Singapore

By
706

Nasungkit ni Pinoy tennis player Francis Casey Alcantara at Amerikanong partner na si Collin Altamirano ang korona ng men’s double sa ITF Singapore Futures 2 kontra Japanese top seeds Shintaron Imai at Niki Takuto, 6-1, 6-4, noong Biyernes sa Kallang Tennis Center sa Singapore.

Naging madali para sa dalawa ang manalo sa unang set pero hindi nagpatinag ang Japanese counterpart pagpasok ng ikalawang set.

Kumamada nang husto si Alcantara at hindi ­ininda ang kanyang shoulder injury para masiguro ang panalo.

Nasa 389th na pwesto sa doubles world ranking­s ang 26-anyos na si Alcantara at maaari siyang makatalon ng mas malapit sa 250s.