Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alcantara bigo sa Asian OQT

0 163

Sablay si Arven Alcantara na makasungkit ng 2020 Tokyo Olympic ticket sa Asian Taekwondo Olympic Qualification Tournament sa Amman, Jordan Biyernes.

Yumuko ang Pinoy jin sa quarterfinals kay Ulugbek Rashitov ng Uzbekistan, 9-23 sa kyorugi men’s -68kg category.

SM food to go Banner Ad

Dikit ang labanan sa first two rounds, pero malalakas na sipa ang pinakawalan ng Uzbek sa last round upang masorpresa si Alcantara at hindi na makabawi.

Naatang na lang sa balikat nina Pauline Louise Lopez (senior female -57 kg event), Kirstie Elaine Alora (seniors female +67 kg) at Kurt Bryan Barbosa sa (seniors male -58) ang kampanya ng ‘Pinas sa kompetisyon. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.