Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alcantara, Brit hari sa Texas netfest

0 85

Tinagpas nina Francis Casey ‘Niño’ Alcantara at British partner Mark Whitehouse sina Brit Luke Johnson at American Toby Kodat, 3-6, 6-3, 10-5, upang masungkit ang men’s doubles event title sa International Tennis Federation M25 Harlingen sa Texas Linggo (Lunes Manila time).

Ito ang pangalawang titulo ng tenistang Pinoy na 2019 Southeast Asian Games gold medalist doubles din kasama si Jeson Patrombon . Namayagpag din si Alcantara sa M25 Calabasas sa California kasama si Fil-Am Raymond Sarmiento nitong Oktubre.

Hahampas pa si Alcantara, 29, sa qualifying round ng men’s singles event sa M25 Austin tourney Martes ng madaling araw (Manila time). (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.