Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alcantara, Gonzales out sa F4

0 77

Yumukod sina Philippine tandem Francis Casey Alcantara at Ruben Gonzales kina Peruvians Conner Huertas at Alexander Merino, 7-6 (11-9), 4-6, 10-7, upang sumablay sa semifinals ng International Tennis Federation (ITF) ASC BMW $25,000 Men’s World Tennis Tour second leg sa Naples, Florida Huwebes.

Umabante sa quarterfinals Miyerkoles via walkover sa American pair na nagka-Covid-19, hindi naman pinalad ang national netters sa pagkakataong ito.

Pero bahagyang pag-angat ito para kina Alcantara at Gonzales makaraang mapatalsik agad first round laban kina Columbian Alejandro Gomez at American Israel ‘Junior’ Alexander Ore sa first leg ng torneo noong isang linggo. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.