Abante Tonite Interactive

Alcantara, PH tennis petmalu sa Malaysia

583

Nagpakitang gilas ang Philippine men’s at women’s tennis team sa KL Open 2019 na ginanap sa National Tennis Centre, sa Kuala Lumpur, Malaysia kaya naman walang dudang handa na silang makipaghatawan sa 30th Southeast Asian Games.

Lima sa pambato ng Pilipinas sa nalalapit na SEA Games na iho-host ng bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 ang pumalo sa five-day event na inorganisa ng Tennis Malaysia.

Halos walisin nina Francis Casey ­Alcantara, Jeson Patrombon, AJ Lim, ­Marian Capadocia at ­Shaira Hope ­Rivera ang ­lahat ng event sa ­sinabakang tournament.

Sina Capadocia at ­Rivera, ang country’s ­current number 1 at ­number 2 ­player sa ­women’s division ay walang talo ­simula sa Day 1 ng laban, at kinumpleto nila ang singles at doubles sweep.

Naglaban sa finals ng women’s singles sina back-to-back PCA Open champion Capadocia at Rivera kung saan nanaig ang una, 6-4, 6-1, bago sila nagsanib puwersa sa women’s double para payukuin sina Suhana Sofia at Theiviya Selvarajoo via walkover.

Pinagpag naman nina Alcantara at Patrombon sina Christian Chin at Jason Taylor, 6-3 4-6 13-11 sa finals para iwagayway ang nahablot ang tropeo. (Elech Dawa)