Abante Tonite Interactive

ALCOHOLIC

By
Paolo Ballesteros
6

HINDI raw suspension, kundi bakasyon ang pagkawala ni Paolo Ballesteros sa Eat ­Bulaga.

Sa anim na buwang bakasyong iyun, tatlong pelikula ang nagawa ni Paolo.

Isa rito ang Die Beautiful na nagbigay sa kanya ng Best ­Actor trophy mula sa Tok­yo International Film Festival, at ngayon ay ­kalahok na sa Metro Manila Film Festival.

Sa presscon ng Die Beautiful kamakalawa nang gabi, sinagot ni Paolo ang ilang isyung napag-usapan kaugnay sa diumano’y suspension sa kanya.

Ang isang dahilan daw kaya binigyan ­siya ng ganu’ng leksyon ay dahil sa madalas daw ­niyang pag-iinom sa set ng Kalyeserye sa Eat ­Bulaga.

Laging may dalang Red Horse raw ito na tinutungga niya sa show.

Paliwanag ni Paolo, “Kasi, ‘di ba, sa show namin, usually nasa barangay kami. We’re one with the people sa ­barangay na pinupunta­han namin.

“We’re not the kind of hosts o actors na pag nandu’n kami sa isang barangay, bawal magpa-picture ganyan.

“Nakapag-reach out kami with everyone, mas masaya. Masakit minsan, kasi, nakukurot, nakakalmot ka, but that’s part of it.

“Ang mga bouncer­ nga, pinagsasabihan ­namin, okay lang ‘yan, makapag-shake hands lang sila, okay na.

“Pero alam mo ­naman tayong mga ­Pilipino, tanghali pa lang ­umiinom na.

“Hindi mo maiwasan ‘yun eh, na o, shot, ­kasi, nagkakatuwaan ang mga tao sa barangay.

Halimbawa, may birthday ­ganyan. So, ano ang gagawin mo, ‘di ba?

Related Posts

“I know naman that I’m responsible person, and what I have said I’ve been in Eat Bulaga for 16 years, I know kung hanggang saan lang…

“Na syempre, hindi naman ako makikipagdyinuman na malalasing ako, ‘di ba, na hindi na ako makapag-perform on TV. Bawal talaga ‘yun.”

Alcoholic ba siya?

“Of course not!” ­mabilis niyang sagot.

“Alcoholic? I have a friend na alcoholic, namatay na. I’ve seen him na paggising pa lang niya sa umaga, inom na agad.

“That’s not me.”

Hindi raw totoo ang kuwento ng iba na nagbabaon siya ng Red Horse na inilalagay sa thermos.

“Of course not!” paulit-ulit niyang sambit.

Ayaw isipin ni Paolo na blessing-in-disguise ang matagal na bakasyon kaya nagawa niya ang pelikulang Die Beautiful.

Naniniwala siya sa sinasabi ni Lola Nidora na may tamang panahon at nasa tamang panahon na napunta sa kanya ang naturang proyekto.

“Parang it’s another opportunity na nagbukas, eh. Especially working with these guys na hindi mo maramdaman na trabaho talaga, eh.

“Feeling ko, hindi lang ako artista dito, eh. it’s a ­collaboration with everyone else,” ­pahayag ni Paolo.

Ayaw na lang niyang magpa-pressure kung mag-top­grosser ang pelikula nila o mana­nalo rin siyang Best Actor.

Kung puwede raw, pareho nilang makuha ito.