Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alcoseba haharurot sa Bohol

0 100

Matindi ang inaasahang labanan para sa mga bagito na matagal na naghanda at sa mga gusto seryosohin ang sport sa Go for Gold’s Sunrise Sprint sa Hullyo 10 sa Panglao, Bohol.

Balik ang short-distance event 750m open-water swim, 20km bike ride, 5km run race, na may kapana-panabik na edisyon para sa may mahigit na 100 kahahok buhat sa 23-team makalipas ang may dalawang taong pagkatengga dahil sa COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tinawag na S2, ito ang sub-category sa centerpiece Sun Life 5150 Triathlon na daan din para sa gustong mga bumalik sa palaging masiglang sport at makapagbigay rin sa mga kalahok ng parehas na kalidad na karanasan sa triathlon sa Olympic-style course setup.

Mangunguna mga kakasa sa iba’t ibang age-group sina Nicole Adlawan at Lui Besa (25-29), 2022 Vietnam SEA Games bronze winner Raven Faith Alcoseba, Kate Borja at Renz Corbin (20-24), Frances Erediano, Sui Besa, Justine Hermosa at Erarn Belonguil (15-19), Dato Arroyo at Philip Geniston (45-49). (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.