Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden 3 beses saksi sa exorcism

0 207

Sa Haloween episode ng Eat Bulaga kahapon ay inamin ni Alden Richards na naka-witness na siya ng sinasanibang tao or exorcism, hindi lang isa kungdi tatlong beses pa.

The first time raw na na-witness niya ito ay sa bahay raw nila sa Laguna.

“Kasi, noong kumuha po ako ng bahay para sa amin, nakuha ko po ‘yung property na may nakatayo ng bahay dati. Tapos pina-renovate lang po namin ‘yun para maging bago lahat ng laman sa loob,” kwento niya.

“Ang usapan lang po namin ng contractor ko, hanggang four months lang po dapat siya gagawin, Nagtataka po ako, 10 buwan na, parang walang natatapos, every time na chini-check ko siya weekly.”

‘Yung mga trabahador daw nila ay nagkukuwentong may nakikita raw ang mga ito sa master’s bedroom. Bukod dito ay lagi raw silang nasisiraan ng gamit. That time ay wala pa raw siyang kaide-ideya about exorcism.

May nagpayo raw sa kanya na mag-alay siya ng manok.Ang ginawa raw niya noon ay kinonsulta niya si Fr. Jeff Quintela na member ng the Philippine Association of Catholic Exorcists and Chief Exorcist of the Diocese of Antipolo at doon nga siya sinabihan na huwag iyon gawin.

“Nung nagkuwentuhan kami ni Father Jeff doon na po nabukas ‘yung pag-iisip ko about exorcism. Sabi niya, ‘Chard, huwag mong gagawin ‘yan, hindi ‘yan tama. Lalo mo lang palalakasin ‘yung presensya sa bahay mo kai you’re patronizing that omen, which is very wrong in the Bible.'”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagkasundo sila na i-exorcise ang bahay niya at bago nagawa ‘yun ay napakarami raw pumigil like naligaw daw sina Fr. Jeff papunta sa bahay niya gayung napakadali raw itong hanapin.

“Pagdating ni Father Jeff sa bahay namin, ‘yung sakit ng ulo niya on a scale of one to ten, nasa eight. Sabi niya na sa akin nun, ‘Chard, malakas,” kwento ni Alden.

Habang nagdadasal daw si Fr. Jeff ay biglang dumilim at biglang sumara raw ang lahat ng pintuan sa bahay.

“Walang kahangin hangin, sumara lahat ng pintuan ng bahay pati ‘yung gate, sabay-sabay, as in may nagagalit. Sabi po ni Father, ‘Huwag kayong matakot, tuloy lang tayo sa dasal.’ Kasi, parang matagal na pong nanirahan ‘yung masamang elemento sa lugar na ‘yun kasi matagal na rin siyang nakatayo. Lumang-luma po siya nu’ng nakuha ko siya,” kwento pa ni Alden.

Finally ay natapos din naman daw nila ang ritwal at later nang kumakain na sila ni Father ay hindi pa rin daw siya makapaniwala sa kanyang nasaksihan. Akala raw niya ay fiction lang ang mga ganitong bagay at sa pelikula lang nangyayari.

Ikinuwento rin ni Alden ang dalawa pang exorcism na nasaksihan niya. Ang isa raw ay isang fan niya pa na na-posses ng bad spirit at tumulong pa siya sa pag-exorcise.

Ang pangatlong encounter naman niya ay two weeks ago lang. Bahay daw ito ng isang kaibigan nila na may pinutol daw na isang puno at namantal ang katawan. Kaya tinulungan daw nila ito ni Father Jeff.

Samantala, ayon kay Alden, after ma-exorcise ang bahay niya ay nakapa-aliwalas na raw, magaaan na tirhan at mas marami pa raw blessings na dumating sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.