Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden aayawan si Derrick

0 226

ROMMEL PLACENTE: Ayon kay Dolly Dulu, direktor ng MMFF entry na ‘The Boy Foretold by the Stars’, ang unang nasa wish list niya para magbida sa nasabing BL movie ay sina Alden Richards at Derrick Monasterio.

Pasok daw kasi sa looks, age, at acting ang dalawa.Kaya ang mga ito raw ang pini-pitch niya noon bago gawin ang kanyang pelikula at naghahanap pa lang ng magbibida.

Pero alam naman daw niya na hindi papayagan sina Alden at Derrick ng kanilang management. Okey na rin naman daw at perfect sa role sina Adrian Lindayag at Keann Johnson .Ang ganda ng chemistry at bumagay sa kanila bilang mga high school students.

Pero para sa amin, mas okey sana kung sina Alden at Derrick ang mga bida. Naku, siguradong sila ang mangunguna sa paramihan ng benta ng tickets sa mga pelikulang kasali sa taunang filmfest. Bukod kasi sa parehong mga sikat, ay first time silang gagawa ng ganitong klase ng movie. Kaya sure hit ito.

Pero sana ay sinubukang kausapin ni Direk Dolly ang GMA 7 . Malay niya at pumayag ang mga ito.Baka gusto rin itong gawin nina Alden at Derrick, di ba? May kasabihan nga tayong, “There’s no harm in trying,”

RODEL FERNANDO: Wagi talaga kung sina Alden Richards at Derrick Monasterio ang mga gumanap sa MMFF entry na iyan. Siguradong super blockbuster ang pelikula. Pero ‘yun lang hanggang pangarap lang yan at hindi magiging makatotohanan. Hinding-hindi talaga papayag ang talent management ng dalawa.

Naisip ko lang, kung si Derrick baka puwedeng mahilot pero si Alden ay never talaga. At hindi niya kailangan sa mga panahong ito ang project na ganyan. Hindi naman namin minemenos ang mga BL series/movies pero huwag si Alden please!!!.

In fairness, matunog ang The Boy Foretold By the Stars kahit mga hindi kilala ang mga bida. Sabagay, kakaiba kasi siyang putahe sa MMFF. Baka bigla na lang manggulat ito at maraming kikitain at maungusan niya ang ibang entries.

MILDRED BACUD:Actually may tendency nga na baka si Derrick ang pumayag but definitely not Alden Richards. I doubt kung papayag ang management niya even him. Kung ano ang reason maybe its because hindi siya magiging komportable. But that would be very interesting kapag ang bida ng BL movie na yan ay kilalang artista at malaki na ang following.

May stigma din kasi sa showbiz sa Pinas na kapag tumanggap sa ganitong role ang isang lalaking artista ay kinukwestyon kung bakit ginawa.Kapag hindi naman tinanggap ay sasabihing may gender issue kasi kaya ayaw.

Sa ibang bansa wala namang ganitong isyu. Kung matatandaan niyo mga ka-Cuatros sa pelikulang ‘Daybreak’ nina Coco Martin at Paolo Rivera, very controversial ang laplapan scene nila, pero dito napatunayan ni Coco kung gaano s’ya kahusay na artista. At nasaan ba ang aktor ngayon? Isa lang naman siya sa pinakasikat at isa sa pinakamayaman na artista natin ngayon.

ROLDAN CASTRO: Sa estado ng career ng Asia’s Multimedia Star na si Alden hindi niya kailangang sumubok muna ng mapangahas na role. Hindi swak sa linya niya ang mga BL movie o serye. Lalo na ngayon na after kay Kathryn Bernardo, si Bea Alonzo naman ang ka-partner niya.

Kung darating si Alden sa edad nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez na gumawa ng ‘My Husband’s Lover’ keri na ang ganyang proyekto.

Si Derrick ang kailangang gumawa ng ingay dahil tahimik siya ngayon. Dapat makagawa siya ng serye o pelikula na pag-uusapan siya.

Sa ganda ng katawan niya ngayon at magaling sa ‘harutan’ bagay siya sa isang BL na proyekto.

Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.