Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden adik sa K-Drama

0 115

Nahihilig pala lately si Alden Richards sa Korean drama bilang marami siyang time na manood ngayon because of the quarantine. Huli niyang napanood ay ang It’s Okay to Not Be Okay na katatapos lang iere sa South Korea at napapanood din sa Netflix. Pinagbibidahan ito nina Kim Soo Hyun and Seo Ye Ji.

Gandang-ganda siya sa nasabing K-drama at kung gagawan daw ito ng adaptation dito sa Pinas ay willing siya na gawin ito.

“Before, I was really oblivious with the concept of K-drama,” sey ng Asia’s Multimedia Star sa ginanap na virtual presscon/launching niya bilang bagong Ambassador ng CosmoCee Vit. C, “sabi ko, baka ano lang siya, baka flat lang siya. Tapos, ewan ko bakit ang daming Pinoy na nahu-hook.

“So, I’ve seen a couple of K-dramas naman, and hindi ako masyadong naging fan.

“But shout-out to Miss Denoy (Punio), isa sa mga head writers natin sa GMA-7, kasi sinabi niya sa akin through a friend na parang “ang ganda, bagay kay Alden ‘yung role, lead role sa It’s Okay Not to Be Okay, so that interests me.”

Kaya pinanood daw niya ang nasabing K-drama at sobrang nagandahan siya rito.

“Ta’s doon ko nakita kung paano alam na alam ng mga Korean writers kung paano hulihin ‘yung audience nila in a good way,” aniya.

Dagdag pa niya, “the acting was superb, characters was superb, wala akong masabi. I really liked it. Sana, magawa natin siya dito sa atin, adaptation din.”

Richards ayaw patalo sa anxiety disorders

Samantala, aminado ang Pambansang Bae na talagang nagkaroon siya ng anxiety because of the pandemic.

“Medyo malala-lala pong anxiety ‘yung ibinigay po sa akin ng pandemic lalo pag lalabas. Parang nun’g nag-start po ang ECQ, ‘yun pong 3 buwan na ‘yun, diretso po, hindi po kami talaga lumabas ng bahay kahit grocery, nagpapasuyo lang po kami sa iba naming mga kaibigan na nakakalabas, pinapaiwan na lang po namin talaga sa gate,” he said.

Pero ne-realize raw niya na hindi siya dapat patalo or padikta sa anxiety dahil hindi naman pwedeng hindi na lang talaga siya lalabas.

Pero lumalabas man siya ay may safety measures pa rin of course and pinaka-importante pa rin daw ang palakasin ang immunity system at kabilang na rito ang pag-take ng Vit. C.

Leave A Reply

Your email address will not be published.