Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden aminadong bad trip sa katrabaho

0 73

Sa sampung taon ni Alden Richards sa industriya, aminado siyang may mga artista rin siyang hindi nakakasundo.

“Sa 10 taon ko sa showbiz, I had a fair share of kasundo and hindi kasundong mga katrabaho,” pagbabahagi ni Alden sa Dabarkadas vlog sa YouTube.

Pero gayunman ay hindi raw niya hinahayaang makaapekto sa kanyang trabaho ang mga taong hindi niya kasundo.

“At the end of the day, iniisip ko minsan, kapag pupunta ako sa set, ‘tapos andun yung hindi ko kasundo na katrabaho ko, ako yung magsa-suffer kung I will let that affect me in my work kaya I’m just gonna be professional about it,” he said.

In fairness to him ay madali naman daw siyang pakisamahan at marunong din siyang makisama.

“Hindi ako confrontational kasi pagdating sa ganyan. Ewan ko, ha? Ano lang naman ako, eh, madali akong pakisamahan, magaling din naman akong makisama. Sabi ko lang ‘yun, ewan ko kung ano ang sasabihin ng mga (katrabaho ko),” sey pa ng Asia’s Multimedia Star.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ibinahagi rin ni Alden kung ano ang pinakamatinding anxiety attack during this pandemic.

“Isa sa pinakamatinding anxiety attack ko nun’g nag-positive si Mama Ten (Tenten Mendoza, his longtime personal assistant). So, ang bilis na, parang after nu’ng pak, positive! Exposed! Pam pam pam! ‘Yung mga trabaho, ‘yung mga commitments na nakansel, ‘yun ‘yung got to me.

“Tapos nasa bahay, talagang nandu’n ‘yung lola at lola ko, what if sila? What if mag-positive rin ako? Ang daming what if,” kwento ni Alden.

Paalala niya sa mga taong nagpa-positive sa COVID-19, ito raw naman ay gumagaling at huwag daw maalarmang masyado.

“Huwag n’yong hayaang kainin kayo ng anxiety n’yo kasi sarili n’yo lang ang kalaban n’yo,” aniya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.