Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden atat nang mag-asawa

0 83

NI: ARCHIE LIAO

Naging panauhin si Alden Richards sa latest vlog ni Dra. Vicki Belo. Sumalang siya sa “Hello, Love, Goodbye Challenge”.

Tulad nang nasabi niya noon sa ibang panayam, bet daw niyang magka-girlfriend ngayong taon.

Pagbubunyag pa niya, high school pa raw nang huli siyang magkadyowa.

Nang pumasok daw siya sa showbiz, naging priority niya ang kanyang career kaya hindi siya nakapag-pokus sa kanyang lovelife.

SM food to go Banner Ad

Ideal girl daw niya ay iyong mabait, maalalahanin at supportive.

Hirit pa niya, willing daw niyang i-give up ang gaming in favor of his potential girlfriend.

Goal naman niyang mag-asawa sa edad na 30 o sa susunod na taon.

May mga nag-react naman sa kanyang naging pahayag.

Sey nila, atat na raw bang mag-asawa ang Asia’s Multimedia Star dahil gusto na nitong magpatali agad sa prospective gf in so short a time sa 2022 gayong wala pa namang nababalitang nililigawan ito.

Pagtatanggol naman ng ilan, hindi naman importante ang iksi o haba ng panahon ng pagkikilala ng dalawang tao as long na nagmamahalan sila at mabuti ang intensyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.