Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden bagong ambassador ng Bida Solusyon ng COVID-19

0 657

Ni: ROLDAN CASTRO

Waging-wagi sa puso ng mga netizen ang kumalat na behind-the-scenes photos ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards na sumubok maging cameraman sa episode ng Eat Bulaga kahapon, July 7.

Hindi ito nakaligtas sa avid viewers ng Eat Bulaga. Pinusuan agad nila
ang mga cute photo ni Alden.

Related Posts

Maging si Bossing Vic Sotto ay napansin si Alden. Komento nito, “Yung camera man natin, ang pogi, o.”

Samantala, balik-telebisyon ang ‘All-Out Sundays’ kung saan mapapanood si Alden at iba pang Kapuso stars simula ngayong Linggo sa GMA.

Bukod dito, may bagong TV commercial na pinagbiBIDAhan niya.
Siya ang bagong ambassador ng Bida Solusyon ng COVID-19.

May hashtag ito ng #BIDASolusyon sa COVID-19! #BeatCOVID19 #WeHealAsOne

Leave A Reply

Your email address will not be published.