Abante Tonite Interactive

Alden baka madehado ni Coco

By
2,778

Wala nang atrasan ang pagbangga ni Alden Richards sa top-rating primetime series ni Coco Martin.

July 30 na ang kaabang-abang na pagtapat ng ‘Victor Magtanggol’ ni Alden sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ni Coco.

May mga kontra sa pagtapat ni Alden kay Coco dahil baka madehado lang daw ang Kapuso heartthrob, sana ay pinroteksyunan daw ito ng GMA at hindi na lang ibi­nangga sa mala-pader na teleserye ni Coco.

Ilang Kapuso shows na kasi ang ipinantapat sa serye ni Coco, pero hindi pa rin matinag-tinag ang ‘Ang Probinsyano’ na magti-3 years na sa September pero naghahari pa rin sa ratings.

Between the two, Alden has more to lose dahil ‘pag hindi nagawang lumaban sa ratings ang ‘Victor Magtanggol’ ay sasabihing talunan siya at wala siyang binatbat.

At kapag natalo naman niya ang ‘Ang Probinsyano’, ang sasabihin ay matagal na kasi ito at malapit nang matapos kaya okey lang na matalo ng bagong show.

Pero desisyon ng GMA management na isa­bong ang Pambansang Bae sa Primetime King ng ABS-CBN, so good luck na lang kay Alden at sana nga ay maipagtanggol niya ang timeslot na ‘yon at huwag siyang padapain ng kalaban.

Big-budget kasi ang action-fantasy series ni Alden na isa sa pinakaambisyosong project ng GMA this year kaya parang dapat lang din na ito ang ipambala sa higanteng kalaban.

May suggestion kasi na ‘yung ‘Onanay’ na lang sana ni Nora Aunor ang gawing counter-programming dahil baka makasilat pa ito sa nasabing timeslot.

Kesa si Alden ay si Ate Guy na lang daw ang ipantapat kay Coco, na may mga nagsasabing tila male counterpart ng Superstar.

But who knows? Baka naman mag-work at mapagtagumpayan ni Alden ang malaking hamon na ito sa kanyang pagbabalik sa primetime.

Tila weird lang na si Alden ay makikipagsalpukan kay Coco sa telebisyon habang ang ka-loveteam niyang si Maine Mendoz ay balitang makakatambal ni Coco sa pelikula!

Miguel, Kyline sumakit ang pisngi sa sampal ni Bianca

Tinotoo nga ba ni Bianca Umali ang mga pagsampal niya sa kontrabida niya sa ‘Kambal Karibal’ na si ­Kyline Alcantara?

Balitang may tensyon sa set ng nasabing teleserye ­dahil tila nagkakainitan sina Bianca at Kyline.

Ang dinig namin ay pinagbibintangam si Kyline na may kinalaman sa breakup ni Bianca at ni Miguel Tanfelix, na wala raw katotohanan ayon sa kampo ni Kyline.

Sumakit daw ang pisngi nina Kyline at Miguel dahil tinotoo ni Bianca ang pagsampal sa dalawa.

May narinig pa kaming chika na tinalak-talakan daw ni Bianca si Kyline. Mabait at well-mannered ang image ng 18-anyos na dalaga kaya hindi namin ma-imagine ang nasabing eksena.

Nakakaramdam nga ba si Bianca ng pagka-insecure sa 15-anyos na si Kyline, na unti-unti nang nakikilala at parami na nang parami ang mga fan?

Kalerky kung totoong umabot na in real life ang pagiging magkaribal ng dalawa. Mukhang umiinit ang kompetisyon dahil tila may nagbabadyang makaungos bilang bagong prinsesa ng GMA!

Bugoy inaabangan ang pag-aming nakabuntis

Ngayong inamin na ng sinuspindeng Hashtags member na si Jon Lucas na may anak na siya, inaabangan naman kung kailan aamin ang ka­grupo nito na si Bugoy Cariño.

Sabay kasing na-blind item noon ang dalawa na nakabuntis ng mga nobya nila, kaya pinatigil muna sila sa paglabas sa ‘It’s Showtime’.

Hindi naatim magsinungaling ng 22-anyos na si Jon at ina­ming may baby na siya at kasal na sa nobyang naanakan niya.

May tsikang lumipad pa-Amerika ang athlete girlfriend ni Bugoy, hindi lang namin sure kung true na doon ito nanganak.