Abante Tonite Interactive

Alden bartender sa ‘Mars Pa More’

0 379

Mas pinabongga ang weekdays simula July 8 sa GMA Network’s family-oriented talk show na “Mars Pa More.” Makakasama ang host at hands-on mommies na sina Camille Prats at Iya Villania.

Hindi lang ‘yan dahil ang unang episode ay pinaunlakan ng multi-talented Kapuso actor na si Alden Richards. Ibabahagi niya ang bago niyang clothing line endorsement at ang bagong pelikula na “Hello, Love, Goodbye.”

Maaari nang i-enjoy nila Mommy at Daddy ang panunuod sa kanilang tahanan dahil magta-transform si Alden bilang bartender at personal na gagawa ng refreshing drink na maaaring gawin ng mga mommies at home.

Samantala, ang anak ni Camille na si Nathan ay magpapakitang-gilas sa paglaro ng boxing kasama ang coach nito, habang ang anak ni Iya na si Primo ay maghahanda ng nakapaglalaway na brownie-shake snack combo.

Sa ilalim ito ng direktor na si Rommel Gacho. Simulan ang iyong araw at ‘wag palampasin ang masasayang activities at kuwentuhan ng mga mommies at kids sa “Mars Pa More.” Simula July 8, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 to 9:20am sa GMA Network. (Ronaline Avecilla)