Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden, Bea, DongYan kinasasabikan ni Mr. M

0 126

Sa isang panayam sa bagong consultant ng GMA Artist Center Johnny Manahan, inilahad nito ang mga Kapuso artist na kinasasabikan niyang makausap.Kahit sa isang Zoom conference muna, hanggang sa maging personal na makadaupang palad, makausap at makatrabaho.

Ang top pick ni Mr. M ay si Asia’s Multi-media Star Alden Richards, Dahil nakatrabaho na nga ito ni Kathryn Bernardo sa phenomenal box-office hit movie na “Hello, Love, Goodbye,” gusto niya ang niceness nito at alam niyang marami pa itong capabilities na pwedeng i-offer, acting wise.

Aroused din ang curiosity ni Ginoong Manahan sa husay at galing ng mga Dantes, si Dingdong at si Marian. Tiyak na mas magiging exciting ang branding, packaging at roles ng power Dantes couple ngayong si Mr. M na ang mamumuno at siyang magpaplano sa karera nina Jose Sixto at Marian. The possibilities are indeed endless for the two.

Special mention rin ni Mr. M ang Kapuso fashionista at socialite Heart Evangelista at ang rising star na nararamdaman mo talaga ang pag-angat ng estrella, Sanya Lopez.

Sa mga bagong Kapuso naman, walang halong pag-iimbot at buong katapatang ipinahayag ni Ginoong Manahan na si Bea Alonzo ay gustong-gusto niyang makatrabaho ulit.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang pangako ni Mr. M patungkol sa iba pang GMA Artists: “Kung ano pa ‘yung kulang sa kanila we hope to develop that and give them a brighter shine. So abangan ninyo, mga Kapuso.”

Aabangan ko talaga Mr.M kung paano mo gagawing bankable at masa favorite ang mahusay na aktres na si Barbie Forteza at kung paano mo pa mas lalong paiigtingin ang estrella ni Bianca Umali.

Sa mga hombre, naway may marami ka pang pixie dust para magshine like diamonds na sina Ruru Madrid, Derrick Monasterio, Jeric Gonzales at Gil Cuerva.

Mukhang things will be indeed more exciting at explosive now that Mr. M is manning the GMA Artists Center. Panalo!

Leave A Reply

Your email address will not be published.