Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden bilib sa GMA Now

0 82

NI: ROLDAN CASTRO

Pangako ng GMA Now ambassador na si Asia’s Multimedia Star Alden Richards na, tulad niya, ay paniguradong magugustuhan ng mga Kapuso ang latest digital TV product ng GMA.

“Bilib ako sa portability and the convenience GMA Now offers. Kahit saan ako magpunta, as long as within the coverage area, I get to watch GMA shows.”

“May feature rin na pwede mong balikan ‘yung previous episodes through video-on-demand, so it will really keep you entertained while you’re on standby or commuting. Not only that, it also has features where you can chat and watch the shows along with your friends or even join exclusive promos and win prizes!” deklara ni Alden.

Kahit nasaan ka man, hindi ka na mahuhuli sa mga paboritong mong Kapuso shows dahil sa pinakabagong handog ng GMA Network para sa loyal fans nito – ang mobile digital TV receiver na GMA Now!

SM SuperKidsDay Banner Ad

Asahan ang mas pinagandang viewing experience dala ng plug-and-play dongle na maaaring magamit ng sinumang may Android smartphone. Malinaw na mapapanood ang well-loved Kapuso channels na GMA, GMA News TV, Heart of Asia, Hallypop, at soon ay pati na rin DepEd TV, kasama ang iba pang free-to-air channels na available sa inyong lugar.

Simple lang ang kailangang gawin para ma-enjoy ang nakakaaliw nitong features. I-download lang ang libreng GMA Now app sa Google Play Store, mag-register, at ikabit ang dongle sa inyong smartphone.

May exclusive interactive features ito pag ikaw ay naka-connect sa internet! Gamit ang GMA Videos-On-Demand tab sa app, pupuwede ka nang maging updated sa bagong episodes ng tinututukang Kapuso shows anytime, anywhere! May bonus pang exclusive messaging service dito na tinatawag na Groupee Chat, kung saan makakabuo ang users ng sarili nilang mga group chat kasama ang mga malalapit na kaibigan at pamilya habang nanonood ng mga programa sa GMA.

Bukod diyan, may mga premyo pang naghihintay sa mga sasagot ng special quizzes at polls sa GMA Now Interactive Promos!

Leave A Reply

Your email address will not be published.