Abante Tonite Interactive

Alden binawal sa primetime ng Dos

1,203

Mapapanood sa bakuran ng ABS-CBN ang GMA heartthrob na si Alden Richards.

Dahil ito sa promo ng Star Cine­ma movie ni Alden with Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye.”

Sa July 31 ang showing sa mga sinehan ng KathDen movie at magsisimula na ang promo at mall shows nina Alden at Kathryn para rito.

Ayon sa isang GMA insider na nakausap namin, pinayagan na si Alden na mag-promote sa ilang piling shows ng Kapamilya network.

Kumpirmado nang maggi-guest ang Pambansang Bae sa “Magandang Buhay,” ang ­morning show na hinu-host ng tatlong mumshies na sina Karla Estrada, Jolina Magdangal-Escueta at Melai Cantiveros-Francisco.

Maggi-guest din si Alden sa “Umagang kay Ganda,” ang longest-running breakfast show ng Dos, at saka sa ibang programa ng ABS na pang-TFC (The Filipino Channel).

Sa tanong namin kung kasama sa paggi-guest-an ni Alden ang “Tonight with Boy Abunda” na kadalasang pinupuntahan ng celebrities na may gustong i-promote, ang sagot ng aming GMA source ay hindi.

Primetime kasi ang “TWBA” at hindi raw puwedeng lumabas si Alden sa primetime shows ng kabilang network. Kaya panay sa morning shows ng Dos lang siya mapapanood.

Pinayagan rin daw si Alden na i-promote ang movie nila ni Kathryn sa “Sunday PinaSaya” at sa iba pang programa ng Kapuso network.

Ayon sa aming­ source, kinilig ang mga taga-Star Cinema nang ma­laman na malaya si Alden na maipo-promote ang KathDen movie sa GMA. Kung puwede nga lang daw ay makapag-guest din sana si Kathryn sa Siyete.

Matatandaan na minsan ding naging Kapuso si Kathryn, na gumanap bilang young Marian Rivera­ sa local adaptation ng Koreanovelang “Autumn in My Heart” na ginawang “Endless Love” nu’ng 2010.

Isang linggo lang ang pagitan ng “Hello, Love, Goodbye” ng Star Cinema at ng mauuna ritong “Fami­ly History” ng GMA Pictures na July 24 naman ang playdate.

Bale ito ang pagbabalik-pelikula ng dating GMA Films na ngayon ay GMA Pictures na. Si Michael V. ang bida, sumulat ng istorya at direktor ng “Family History” katambal si Dawn Zulueta.
***

Itlog ni Heart ilalagay sa freezer?

Ang ganda ng attitude ni Heart Evangelista pagdating sa pagkakaroon ng anak, na lagi na lang tinatanong sa kanya.

“I’m really not in a rush. To be honest, I was very traumatized with what happened to me.

“I’m a planner with my life, I need to plan things and it’s the first time, I guess, that I was tested by God that not everything is according to what you want.

“So now, when that happened, parang mysteriously, it was just such a shock that so many things, good things started to happen.

“And so, my husband and I decided that I guess it’s important that you know, you really have to embrace what is now.

“And ayoko naman din magtanggi ng trabaho. So, I’m going to really focus on what I need to do this year, especially because I signed a few things that it’s impossible for me to be pregnant while I do certain things.

“So maybe without any pressure, if it happens by next year, then it happens.

“If it doesn’t, haayyy… I have nothing to complain about. I’m very happy. I have two kids at home and I’m very hands on and whatever God gives me, I don’t want to question.

“I’m very content, so kung ibigay Niya, ibibigay Niya. Then it would be perfect, ‘di ba? Close to perfect,” sambit ng 34-anyos na Kapuso actress na member ng “StarStruck 7” council.

Sabi pa ni Heart, she’s had her fair share of ups and downs in life, sa career at sa kanyang personal na buhay, so wala na siyang hahangarin pa.

Ang hi­ling na lang daw niya ngayon ay maging healthy lahat ng mahal niya at ang iba pa ay bonus na lang, kahit hindi na siya magka-baby.

“I am so overwhelmed and grateful talaga for everything that’s happening in my life now, na I do not ask for anything. I just want safety and health for all my loved ones. I’m happy.”

Hindi ba niya naiisip na magpa-freeze ng kanyang egg cells gaya ng ginawa ni Iza Calzado?

Sagot ni Heart, “I think if I really need it. But kasi, I get check ups almost every two months or I see my doctor a lot.

“Kasi, after what happened to me, we just wanna regulate if I was okay…
“Technically, I don’t need to do that. I’m very okay anytime. Actually, if I try next month, I can get (pregnant) anytime.

“Although if I really, really want to, I have no qualms whatsoever to try alternative stuff.”

Puwede kahit sa pregnant women ang bagong ineendorso ni Heart kaya naaliw kami sa dayalog ni Heart na, “I know!! Baka biglang buntis na ako bukas! Ha! Ha! Ha!”(Allan Diones)