Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden binawalang ‘magladlad’

0 243

Ni:ARCHIE LIAO

Kung si Piolo Pascual ay iniladlad na ang kanyang choice sa pagkapangulo, abangers naman ang mga tsismosa kung kailan naman magiging vocal ang Kapuso actor na si Alden Richards sa kanyang sinusuportahang presidentiable.

Siyempre, hindi lang ang madlang pipol ang matutuwa sa kanyang magiging desisyon kung sakali, kundi na ang mga miyembro ng LGBTQA+ community.

Marami kasing naniniwala na malakas ang panghatak ng endorsement ng bedimpled actor sa susunod na pangulo dahil bukod sa bankable actor ito ay modelo rin ito ng mga kabataan.

Bilang millennial, malaki ang impluwensiya niya na maka-engganyo ng votes from the youth sector.

Dagdag pa rito, tulad ni Maine Mendoza ay may network na rin ito ng followers na puwedeng mag-rally sa ieendorso niyang candidate.

Pero, gaano katotoo na tulad ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes ay pinagbabawalan daw sila ng kanilang network na mag-endorso ng sinumang political candidate?

Leave A Reply

Your email address will not be published.