Abante Tonite Interactive

Alden, Carlo panis: Arjo pinakapogi kay Maine

0 460

“Surreal” ang deskripsyon ni Maine sa kanyang first ever interview sa programa ni Boy Abunda.

Sa nasabing panayam ay hindi pinalampas ni Kuya Boy na matanong si Maine tungkol kay Arjo Atayde na as we all know ay nali-link sa phenomenal star.

She was asked kung gaano kalaking bahagi ng kaligayahan niya si Arjo.

“Malaking bahagi po,” sagot ni Maine.

Siyempre, hindi puwede ring hindi siya sumalang sa ‘Fast Talk’ segment ni Kuya Boy.

Natanong siya kung ilang beses siyang nanood ng “Hello, Love, Goodbye” na blockbuster movie ni Kathryn Bernardo at ka-love team niyang si Alden Richards at sagot niya, “dalawa.”

When asked kung sino ang pinakapogi among Carlo, Alden and Arjo, mabilis niyang sagot, “Arjo.”

Ang nakakatuwang parte ay hindi rin nakaligtas si Maine sa famous question ni Kuya Boy na “sex or chocolate” at hindi agad nakasagot ang dalaga.

“Nay, alam ko, nanonood kayo,” aniya.

Bandang huli, she said, “I refuse to answer the question, tito Boy” sabay-tawa at napa-halakhak din si Kuya Boy and said, “I respect that.”

Halatang nag-enjoy si Maine dahil sambit niya habang nagpapaalaman na, “ang saya!”

Chito kay Neri: ‘Di ako guwapo pero patay na patay sa akin

Panalo ang mahabang “tribute” post ng Parokya ni Edgar lead singer na si Chito Miranda sa kanyang asawang si Neri Naig. Ibinahagi niya for the first time ang mga nagustuhan sa kanya ng misis at pinabulaanan na kaya siya minahal nito ay dahil sikat siya at mayaman.

“Asawa ko yan. She’s beautiful, she’s smart, she’s sweet, she’s kind, she’s caring and considerate, she’s patient, forgiving, and most importantly, she’s mine.

“But this post ain’t about her. This post is about me, at kung bakit nya ako minahal hahaha!

“Di ako gwapo pero patay na patay sya sa akin. Well, to be fair…patay na patay din naman ako sa kanya, so quits lang hahaha!

“Wag nyong iisipin na palibhasa sikat ako kaya nya ko sinagot…eh ang daming di hamak na mas sikat sa akin na nanligaw sa kanya, ako pa rin ang pinili nya.

“Wag nyo rin sasabihin na siguro dahil mayaman ako kaya nya ko pinili, kasi hindi naman talaga ako mayaman (mas mayaman pa nga sya sa akin ngayon eh!) May mga nanligaw at naging boyfriend sya na sooobrang yaman at madaming sasakyan…pero pinili nya ako kahit lumang Jazz lang ang sasakyan ko.

“I don’t think naman na minahal nya lang ako just because of my abs and perfectly toned body. di naman sya ganun ka-shallow.

“Alam nyo kung bakit nya ko minahal?

“Kasi I’d drive for 3hrs just to spend an hour with her, and travel for another 3hrs going back home. At sa 1 hour na kasama ko sya, papatawanin ko sya at aalaskahin, kukulitin at tatratuhin bilang tropa…pero may kasamang malisya, kasi alam nya na may gusto ako sa kanya,” ang bahagi ng mahabang post ni Chito.

Nagbigay pa ng tip ang singer kung paano mapasagot ang isang babae.

“Here’s a tip: Make sure that she knows na ayaw mo na ‘friends’ lang, but always treat her like a friend. Yung totoong friend ha? Dapat para ka nyang daddy, kuya, at bestfriend. Always treat her like a princess, pero dapat kaya mo rin syang kutusan paminsan-minsan!” he shared.

He continued, “Sinisigurado ko na masaya sya kapag kasama nya ko…para mamiss nya ako at hanap-hanapin tuwing wala ako haha!

“Never ko din pinagtulakan ang sarili ko sa kanya…pero pinaparamdam ko na pinapahalagahan ko talaga sya above everyone and everything else.

“Tinigil ko yung mga kalokohan ko, not because she asked me to, but because I wanted her to be in love with someone who was worth loving.

“I needed to be someone worthy of that love…kasi kung hindi mawawala sya.

“And lastly, bumili ako ng bagoong na may gayuma sa palengke ng Luksuhin, at humingi ako ng magic helmet kay God.

“Ayun…nasira ulo nya. Ngayon, asawa ko na sya.”

Umani ng katakot-takot na “likes” ang post at pinuri-puri siya ng netizens and celebrity friends.