Abante Tonite Interactive

Alden dadalo sa kasal ni Joyce Ching

635

Ngayong araw ng Linggo, December 8 ang kasal ng Kapuso talent na si Joyce Ching sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Kevin Alimon.

Nasa Baguio na ngayon si Alden Richards para dumalo sa kasal ng dalawa.

Samantala, hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang ibang celebrity couples sa pagbibigay ng details sa kanilang nalalapit na kasal. Ito’y sina Angel Locsin at Neil Arce, Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, Juancho Trivino at Joyce Pring.

Ganoon din sa petsa at lugar ng kasal nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa Marso 2020.

Although hindi pa tapos ang taon, nakaabang pa rin ang publiko sa pagpu-propose ni Luis Manzano sa kanyang kasintahang si Jessy Mendiola. Maging si Dennis Trillo kay Jennylyn Mercado at si Tom Rodriguez kay Carla Abellana. Posible ring sa 2020 ito mangyayari.

Andres, Atasha join sa MMFF parade

Nabigyan ng G-rating ng MTRCB at Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang “Miracle in Cell No. 7”. Hinangaan nang husto ang acting na ipinakita ni Aga Muhlach bilang isang autistic person na sobra-sobra ang pagmamahal na ipinakita sa kanyang anak. Gagampanan ito ni Xia Vigor at paglaki ay si Bela Padilla na.

Hindi maikakaila ang excitement na ipinakita ng actor during the grand presscon ng pelikula.

Family drama ang tema ng pelikula na tatagos sa puso ng mga makakapanood nito.

Dahil hindi pa nakaranas ang kambal na anak ni Aga na sina Andres at Atasha na sumakay ng float ng MMFF, sasama ang mga ito sa Parada ng mga Artista on December 23 na gaganapin sa host city ng Taguig.

Anyway, Aga is not encouraging his twins na sumabak sa showbiz dahil mas gusto nila ng wife niyang si Charlene Gonzales na tapusin muna nila ang kanilang pag-aaral.

***

Tunghayan sa aming programang “Celebrity Talk” online show sa Abante Tonite. Ito’y tungkol sa mga bagong prediksyon for 2020 ng kilalang international Filipina Feng Shui Master na si Marites Allen. Bukas na ito, araw ng Lunes, ng alas-12:00 ng tanghali hanggang ala-1:00 ng hapon sa website, Facebook page at YouTube channel.