Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden-Daniel, Piolo-Dingdong pantasya sa laplapan

0 93

ROMMEL PLACENTE:Usong-uso pa rin ang paggawa ng boy love (Boy Love) series mga ka-Cuatros.

Dahil nga tinatangkilik ito,sige sa paggawa ng ganitong klaseng pelikula ang mga producers, na siyempre ang mga bida ay parehong aktor.

Maswerte raw itong isang BL actor na nakapareha at nakahalikan ang isang gwapong aktor .Kaya raw siguro tinanggap ng bi na aktor ang proyekto para mag-take advantage sa kanyang kapareha.Ganu’n nga kaya yon? Ang mga detractors ng aktor,talagang nega kung mag-isip sa kanya.Pero kung totoong bi nga ang aktor,marami pa rin ang nagpapantasiyang matikman siya. Guwapo naman kasi talaga ito, at maganda ang pangangatawan.Besides,wala namang pag-amin ito na bi nga siya. Kaya siyempre ang mga bading, sige pa rin ang pag-iilusyon sa kanya. Ang iba naman,okey lang sa kanila ang bi. Di ba nga may mga bi sa bi ang magkakarelasyon?

And since uso nga ang BL serye/pelikula,wish ko lang na gumawa rin ng ganito sina Alden Richards at Daniel Padilla. Siguradong gigibain ang record ng “Hello Love Goodbye’ pag nagsama ang dalawang ito.Talagang pagpipistahan kung may laplapan scene sila dahil parehong guwapo, sikat.Naku siguradong tatangkilikin ‘yun kahit mga babaeng fans nila.Siguradong willing ang mga fan na magbayad pag pelikula ito.Marami naman kasing nag- iilusyon sa dalawang actor na ito. Sana nga ay may magkainteres na kunin sila sa BL project,di ba? At sana pumayag sila,no?!

MILDRED BACUD :Sa showbiz marami talagang bi pero naiintindihan naman natin kung bakit ayaw nilang umamin. ‘Yun ay dahil nasa peak pa rin sila ng career nila. Bigla kong naalala ang isang singer na kumanta ng isang cover song lately. Binasa ko ang reaksyon ng mga netizen. Sabi nila halata na rin ang fine lines ni singer sa mukha niya. Nagkakaedad na rin pero single pa rin. Naalala ko tuloy ang naging ex- gf niya na artista rin. Kuwento ng malapit sa ex-gf niya kapag naaabutan daw niya ang singer sa bahay nito ay napapailing na lang siya dahil mas malakas pa siyang tumili sa dating nobya. Mas malambot rin daw itong kumilos kapag wala sa kamera. Kaya di na siya nagtataka na hindi sila nagtagal ni ex-gf pero in fairness they remained friends.Mabait naman daw si singer.

Isa pang mang-aawit na wala na rin sa kalendaryo.Halata na ang pagnipis ng buhok pero wala pa ring gf.

Pero ang isang bi na aktor feel na feel ang pagiging girlita sa likod ng kamera. Medyo bata-bata pa naman kasi siya at kilig overload pa rin ang nararamdaman lalo na nang sinorpresa siya ng karelasyon at binigyan ng boquet of flowers dahil anniversary nila. Take note sa opisina ito nangyari ha.Kaagad naman sinabi niya sa mga nakasaksi ng sweetness na ito na huwag silang kunan ng picture.Buti na lang close nila ang mga taong nandun.

RODEL FERNANDO: Dahil sa pandemic ay sangkatutak na ang BL series na kahit na sino na lang ngayon ay gumagawa. Puro walang name ang mga bida at yung iba naman ay halatang minadali kaya pangit kinalabasan. Sabagay, napakadali nga namang gumawa dahil hindi na gagastos ng malaki lalo na kung ang mga gaganap ay walang mga pangalan. Pero sa totoo lang, pangarap ko na makagawa ng BL series na magkasama ay sina Piolo Pascual at Dingdong Dantes. Kapag nangyari ito ay siguradong magkakagulo ang sangkabaklaan. Imadyinin mo na lang ang dalawang hunk na ito na pinagpapantasyahan ng ikatlong lahi ay maghahalikan at magroromansahan sa sceen eh di ba panalo ito pag nagkataon? Siguradong super megahit ito kapag ipinalabas online.

Naalala ko tuloy ang dalawang hunk actor na sumikat noong Dekada ’90. Parehas na makisig at malakas ang dating nila at tulad nina Piolo at Dingdong ay elyang-elya sa kanila ang mga bading noon. Totoo kaya ang tsismis na nagkatikiman raw sila na naging dahilan daw ito ng paghihiwalay ng isa sa mga hunk actor at asawa niya? Nakita raw kasi ng misis niya ang ginagawang milagro ng dalawa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

ROLDAN CASTRO: Feeling ko,mananatiling panaginip ‘yung pagsasama sa BL nina Alden-Daniel, Piolo at Dingdong. Sa estado ng career nila, hindi nila kailangang gumawa ng ganitong klaseng proyekto.

Pero depende siguro sa ganda ng script, director , kung pang-award ba ito at laki ng budget.

Anyway, nakakawindang ang mga tsismis ngayon sa mga nagsusulputang male starlet. Ngayon pa lang ay hindi sila ligtas sa intrigang kung hindi bi ay namamakla.

How true na bi ang isang BL actor na mahilig ‘magsariling sikap’ sa online?

Bi din daw ang isang male starlet na nagtatawag pa ng lalaking masahista. Join din daw siya sa orgy ng mga bi.

Natsitsismis din na dyowa ng baguhang actor ang guwapo na laging kasama niya. Tago raw ang gender nito dahil tigasin naman pag kumilis at magsalita.

May isa namang aktor na nagpatingin pa raw sa psychiatrist dahil hindi na niya ma-control ang nararamdaman niya sa isang aktor na kasamahan niya sa isang management.

Kalorky, nagkalat na talaga ang mga bisexual na artista,huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.