Abante Tonite Interactive

Alden-Daniel wish magsama sa HK

567

tonite-this-is-it-roldan-castro

Nagpipista ang mga fan ng KathNiel dahil dinalaw ni Daniel Padilla nu’ng Good Friday si Kathryn Bernardo sa Hong Kong. Dito kasi nagso-shooting ang KathDen movie na pinamagatang “Hello, Love, Goodbye.”
Napalundag talaga si Kathryn at mahigpit ang yakap sa surprise visit ng dyowa.

Pero ang request ng mga fan ay may mag-post ng photo na magkasama sina Alden at Daniel sa Hong Kong. ‘Yun na ang gusto nilang mangyari.
Habang sinusulat namin ito ay nagtanong kami kung nagkita na sina DJ at Alden nu’ng Friday?

“’Di pa kahapon, ewan ko lang ngayon,” pakli ng aming source.

Samantala, nagiging close na rin sina Kathryn at Alden sa shooting. May kuha na silang larawan na nakakaakbay na ang Pambansang Bae.

Talbog!

Edward sinugod si Maymay sa Hong Kong

Hindi rin nagpahuli ang MayWard sa pakilig. Dinalaw ni Edward Barber sa Hong Kong si Maymay Entrata na kasali sa shooting ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye” sa Hong Kong.

Sobrang tuwa ng mga fan. Sabi nila, hindi kinaya ni Edward ang pagka-miss sa on-screen partner.

Reaction ng mga netizen:
“Whoooah! Ung pagpisil-pisil tlaga n edward sa tuhod n maymay! Sobrang lablab tlaga n edward ang kanyang tsuma.”

@Cherry MW, “Ahahaha binabantayan ni edong legs ni tsuma bk masilipan hihihi so cute and sweet.”

@arlene corano, “Hahay d lang ninyo alam kong gaano ninyo pinasaya ang heart ko.na magkasama kau.tanggal daw sakit sabi ng mga mga lola dto.”

Nancy ‘di napikon kay Catriona

Naaaliw pala ang re-electionist Senator Nancy Binay sa funny memes sa kanila ni Miss Universe Catriona Gray nu’ng magkita sila.

“Tawang-tawa nga ako du’n sa mga lumabas. For me, the best, kung sino man ‘yung gumawa nu’ng apat na. . . ‘yung picture ni Tito Sen (Sen. Tito Sotto), picture ni Sen. Greg, ‘yung picture ni Catriona, ‘yung nilagay ‘yung mukha ko, I think ‘yun ‘yung the best meme. Winner!” reaksyon niya.

“Entertaining,” lahad pa niya.

Pareho raw sila ng adbokasiya ni Catriona na palaganapin ang local fabrics kaya ‘pag natapos na raw ang termino nito bilang Miss Universe ay wish niyang magkaroon sila ng collaboration tungkol dito.

Samantala, may libro ang senadora na “Make Love Not War.” Tampok dito ang No. 1 basher niya sa online na si Senyora Santibañez.

Minsan daw ay nasasaktan siya pero sandali lang.

“Kasi, unang-una ‘di ba, ‘pag kunyari, nagalit ako, ako naman ‘yung magkaka-wrinkles, hindi naman sila ‘di ba? So, bakit ka magagalit? ‘Di ba, sabi nila, ‘yung stress daw causes illness. So, ‘pag na-stress ako du’n sa meme na ginagawa nila, ako ‘yung magkakasakit, hindi naman sila.So, just enjoy it. ‘Di ba, sabi nila, the best medicine is laughter. So, ‘yun na lang ang mindset ko,” deklara niya.

Kahit daw sa mga memes na ginagawa sa kanya ay wala raw talaga siyang ikinapikon or ikinainis. Minsan daw ay nahu-hurt din siya pero sandali lang.

Pagbibiro nga niya ay gusto niyang regaluhan ang kapatid niyang magkalaban ngayon sa posisyon sa Makati na sina Abby at Junjun Binay.
May nag-suggest din na bigyan niya ng libro sina Kris Aquino at Gretchen Barretto.

Tinanong din siya kung sino pa ang gusto niyang bigyan ng aklat, “sino ba ang nag-aaway ngayon?”

“Hindi ba sina Kris Aquino at Phillip Salvador?” sey niya.

Agree din siya na bigyan niya ng libro ang magkapatid na JV Ejercito at Jinggoy Estrada na balitang civil naman sila ngayon.
Pak!