Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden ‘darang’ sa Espanyola

0 110

NI: ALWIN IGNACIO

Dumating na ba tayo sa exciting part ng buhay ni Asian Multimedia Star Alden Richards? Dahil nga bumulaga ang larawan niya na kasama si Ms. Spain 2021 Sarah Loinaz, marami ang kinilig at the same time sangrekwa rin ang napoot sa kaganapan.

Ang mga kilig na kilig, ang pakiwari eh ‘nadarang’ si Richard kasi nga tunay naman nakakabighani ang alindog at dakilang ganda nitong Espanyola beauty queen,

May hirit pa nga na si Loinaz na susubukan ang Philippine showbiz at perfect ngang katambal nito si Alden.

At siyempre pa, ang posibilidad na si Sarah na nga ang babaing nakatadhana kay Ginoong Faulkerson Jr., talaga nga namang hep, hep, hooray ang pangyayari dahil nga kung pagbabasehan ang larawang magkasama sila, eh talaga namang bagay na bagay ang beauty queen sa ating pambatong lalaking makisig na maganda ang mukha at tindig.

SM food to go Banner Ad

Siyempre, ang mga poot at suklam naman, dahil nga walang maipintas sa ganda at rikit ni Loinaz, ang binanatan ay makapal na make up nito. May tumili pa na mukhang transwoman ito na atat sa publisidad kaya ginagamit si Richard.

Sa true lang, ang diva that you love, panalo naman kung may proyekto ngang sina Loinas at Alden ay magkasama.

Baka nga si Sarah pa ang talagang darang sa ating Alden , hindi ba naman? At hindi naman kataka-taka at nakakahibang kung sakaling iyan ang totoo.

Welcome development para sa karera at estado ni Alden bilang leading man na makatrabaho at makatambal ang nasabing beauty queen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.