Abante Tonite Interactive

Alden ‘di bingi, bulag sa mga nangangailangan

1,309

Grabe ang banat kay Alden Richards. Pinaratangan siya at si Alex Gonzaga na hindi tumutulong umano sa mga naapektuhan ng bulkang Taal.

“Si Richard Reyes Faulkerson Jr. pa ba hindi nman kailangan ipagsigawan pa sa publiko na tumutulong sya. Sa Lahat ng ayaw ni Alden pinangangalandakan na tumutulong sya,” bulalas ng kanyang manager na si Carlites de Guzman.

Agree naman ang mga tagahanga ni Alden. Alam nila kung gaano ito ka-generous at mabuting tao.

Ilan sa reaksyon ng netizen:

“Bkit kailangan pa ba ilathala sa social media ang pag tulong .. kailangan pa bang ipagkalandakan ang pagtulong.. pati b nman yan gagawan pa ng kuwento.. kailan man ci alden di nging bulag bulagan at hindi kailan man nag bingibingihan sa nangangailangan.. di nakailangan sa social media ipakita ang pag tulong sa mata ni lord alam niya ang lahat kung cnu ang may ginituang puso.. at ci alden laking santa rosa tatak santa rosa. Nsa puso na ang pag tulong.”

“Naniniwala ako jan madam. May isa yan na common friend namen na tinulungan nya, tapos ayaw nyang ipasabe sa iba yung ginawa nya. Salute.” (Roldan Castro)