Abante Tonite Interactive

Alden ‘di nagpakabog kay Maine

735

NI: ARCHIE LIAO

Maraming netizen ang bumilib sa pagiging Good Samaritan ni Maine Mendoza.

Patuloy kasi ang pag-arangkada ng inilunsad niyang DoNation Drive. Ito’y para matulungan ang mga empleyadong hindi makapagtrabaho dahil sa enhanced community quarantine.

Super busy rin ang aktres dahil siya mismo ang nag-aasikaso ng pagpapadala ng tulong sa mga kinauukulan via GCash.

Habang abala sa kanyang pagkakawanggawa, hinahanap naman ng mga netizen ang paramdam ng kanyang dating ka-love team na si Alden Richards.

Pagtatanggol naman ng ibang netizens, for sure raw ay may ginagawa ring tulong ang aktor para sa kapuspalad nating mga kababayan na hindi na ipinapangalandakan.

Actually hindi nagpakabog si Alden kay Maine dahil nagbigay rin siya ng food donation para sa mga kapuspalad niyang kababayan sa Laguna .Ito’y sa pamamagitan ng kanyang McDonald’s store sa kanilang bayan.