Abante Tonite Interactive

Alden ‘di wasak kay Coco

By
4,153

Masaya ang management ng GMA-7 sa resulta ng ratings ng programa ni Alden Richards na ‘Victor Magtanggol’.

Ayon sa aming source, good fight na raw sa nagsisimulang serye ni Alden na ang ratings sa NUTAM ay 12.4 ang VM at nasa 14 ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

Kumbaga, may chance na manalo ito sa gitna ng giyera.

Kahit sa Kantar Media, nangunguna rin ang ‘Victor Magtanggol’ sa lahat ng mga Kapuso show.
Reaksiyon ng mga netizen:

Sa Twitter na @HiRitsard, “It’s so nice to finally have something to watch after a tiring day. Yung chill lang at lahat may funny side. To be able to watch Alden every night from Mondays to Fridays took it all way. #VictorMagtanggolAngSimula.”

Tweet pa ni @liz_lemon “This is how good an actor Alden is. The character is so close to who he is – dorky, helpful, and familial – but somehow Victor has a different feel from Alden. He’s so…real. I’m reminded of our messenger at the office who is just happy all the time. #VictorMagtanggolAngSimula.”

Sabi pa ni @MaryMhae5, “Ang ganda naman ng umpisa ng #VictorMagtanggolAngSimula Aabangan ko na ang mga fight scene ni pambansang bae @aldenrichards02 Congrats po.”

Samantala, ayon naman kay @pscd87 has nothing but praises for the show, “I enjoyed tonight’s pilot episode. Tama ang timpla, ang galing ng pacing, panalo yung graphics­ and animation, swak ang bitaw ng mga punchlines. This seems to be quite promi­sing. Congratulations, Alden and to the entire VM team. #VictorMagtanggolAngSimula”.